
James sa viral ‘matchy outfit’ nila ni Nadine: ‘It was great to see her’
NAGBIGAY ng reaksyon ang singer-songwriter at aktor na si James Reid tungkol sa nag-viral na “matchy outfits” sa isang event nilang dalawa ng dating nobya at award-winning actress na si Nadine Lustre.
Sa isang panayam ng PEP mula sa red carpet ng Preview Ball kasama ang kanyang kasalukuyang nobya na si Issa Pressman nitong Biyernes, Setyembre 8, sinagot ng record producer ang usap-usapan ng mga fans na “twinning” umano ang suot ng dating magkasintahan sa event.
Ani James na hindi pinili mismo ng international team ng brand ang suot-suot nilang mga damit at nagkataon lang daw na mukhang magkaparehas sila ng suot ni Nadine.
“They were picked out by the international Gucci team and it just turns out that you know, the outfits matched and looked great,” pahayag ng aktor.
“But yeah, I just had a lot of fun at the Gucci event, I had a lot of fun with Issa, with Liza, the rest of the Careless team,” dagdag pa ni James.
Saad pa ng singer-songwriter na masaya siyang makita si Nadine sa nasabing event.
“And it was great to see her and it was a great night,” wika ni James.
Tinanong din sa nasabing panayam kung ano ang reaksyon ng kasalukuyang girlfriend ni James na si Issa sa outfits ng dating magkasintahan.
Pahayag ni Issa na hindi rin niya napansin ang matchy outfits ng dalawa at sinabing parehong brand ambassador naman si James at Nadine kaya ganoon.
“I also didn’t notice, I only saw in the actual picture. I mean, they both like Gucci ambassadors… It’s all Gucci,” sagot ni Issa.
Nang tanungin naman kung nasa “good relationship” si James at Nadine ang sinagot ng aktor ay, “Yes, ever since before.”