Gerald

Gerald, kinunsinti ang pagpa-fangirl ni Julia sa Slovenian cager

September 9, 2023 Vinia Vivar 178 views

Pinatunayan ni Gerald Anderson ang pagiging supportive boyfriend kay Julia Barretto nang isama niya ang girlfriend sa FIBA World Cup 2023m para makita ang big crush na si Luka Doncic, ang sikat at guwapong Slovenian basketball player na crush yata ng buong bayan.

Makikita sa latest vlog ni Gerald ang panonood nila ni Julia ng Slovenia VS China baskeball game sa Mall of Asia Arena kasama ang ilang kaibigan.

Ibinili pa ng aktor ang girlfriend ng jersey ni Luka na makikitang suot-suot ng aktres all throughout the game.

Nakakatuwa na nagkikita-kita sila sa MOA nina Yassi Pressman at mag-asawang Aga Muhlach and Charlene Gonzalez. Makikita sa video na nagbesohan at nagbatian silang lahat.

Habang nasa sasakyan papunta sa MOA ay pabirong sinabi ni Julia na normal lang ang kanyang nararamdaman at nangakong ‘no freaking out’ kapag nakita si Luka.

Pero habang nanonoood ay hindi natupad ni Julia ang promise dahil panay ang sigaw niya ng “Lukaaahhhh!” In fairness, kalma lang naman ang pagsigaw ng aktres at hindi malakas.

Sa isang bahagi ng video ay makikitang nagtatatalon pa si Julia nang maka-shoot si Luka habang si Gerald naman ay pabirong nag-boo.

Pero kilig ang parteng sinabi ni Julia na “siya pa rin” sabay-turo sa katabing boyfriend. Priceless ang ngiti ni Gerald nang sinabi ito ng GF.

‘Yun nga lang, na-eject si Luka sa game at makikita sa vlog ang pagkalungkot ni Julia.

After the game ay tinanong ni Gerald si Julia kung ano ang masasabi nito sa pagiging reklamador ni Luka at sabi ng aktres, “I love you pa rin.” Hahaha!

Makikita ring masayang umuwi ang magdyowa at sey ni Julia, “I had so much fun.”

Sa comment section ay natuwa naman ang fans ni Julia na finally ay nakita na ng aktres ang crush at iniidolong basketball player. Pinasalamatan din nila si Gerald for bringing Julia at the game.

AUTHOR PROFILE