Showtime

‘It’s Showtime’ malamang na makatapat din ng TVJ show

June 22, 2023 Aster Amoyo 511 views

Showtime1ViceVice1MARAMI na ring pagsubok at challenges ang pinagdaanan ng top-rating and long-running noontime variety show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” hosted by Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Ion Perez at iba pa.

Ang “It’s Showtime” ay nagsimula nung October 24, 2009 with its former director na si Bobet Vidanes directing the show since it started hanggang 2020 na sinundan nina John Prats, Boyet Valdemor (2020-2021) at si Jon Moll na siyang director ng programa since 2021 hanggang ngayon.

Ang pinakamalaking dagok sa programa ay nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020 na kasagsagan na rin noon ng pandemic.

Pansamantalang natigil ang programa at hindi na ito napanood sa free TV. Pero gumawa ng paraan ang Kapamilya management na muling mapanood ang programa sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang digital platforms tulad ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC, TFC at iba pa at kasunod na rito ang kanilang pakikipag-alyansa sa Channel 11 which was rebranded as A2Z, ang first broadcast channel kung saan muling napanood ang programa.

It was in July 2022 nang mapanood ang “It’s Showtime” sa TV5 na naging ka-back-to-back pa noon ng dating “Lunch Out Loud” na ginawang “Tropang LOL” produced ng businessman at politician na si Albee Benitez.

Nang mawala sa ere ang “Tropang LOL” ay umakyat ang “It’s Showtime” sa kanilang original time slot, 12:00 noon kaya natuwa ang bumubuo ng programa sa pangunguna ng prime host na si Vice Ganda dahil meron silang additional venue to reach a wider audience. Pero muling na-shake-up ang “It’s Showtime” family nang malaman nilang mauurong ang kanilang time slot sa TV5 sa hapon to give way sa bagong sisimulang noontime program ng TVJ and the Dabarkads na nagpaalam na sa TAPE, Inc. na siyang producer ng longest-running noontime show in the world.

Ang kontrata ng ABS-CBN bilang blocktimer sa TV5 ay magtatapos sa buwang ito ng Hunyo. Pero hindi umano sila inaaalis kundi ililipat lamang sa ibang time slot bagay na hindi umano gusto ng pamunuan ng ABS-CBN kaya sila’y nakipag-usap sa GMA management na siya ring may-ari ng kanilang sister station na GTV.

DabarkadsDabarkads1TVJSince may kontrata pa ang TAPE, Inc. with GMA until next year, hindi nila puwedeng galawin ang time slot ng “Eat Bulaga” pero tinanggap naman ang “It’s Showtime” para sa GTV.

Sa pagsisimula ng bagong noontime program ng TVJ at ng Dabarkads sa TV5 ngayong July 1, 2023 ay siya ring pagsisimula ng airing “It’s Showtime” sa GTV.

Sabay din ng pagharap sa presscon ng pamunuan ng MediaQuest Holdings, Inc., TV5, Cignal TV, maging ng TVJ at ng Dabarkads last Tuesday, June 20 ay naglabas naman ang ABS-CBN ng official statement na may kinalaman sa paglipat ng airing ng “It’s Showtime” from TV5 to GTV.

Tuwang-tuwa siyempre ang bumubuo ng “It’s Showtime” at ang Madlang People sa naging move na ito at ang gumagandang partnership sa pagitan ng pamunuan ng ABS-CBN at GMA na kung iisipin ay napaka-imposibleng mangyari noon.

GMA and ABS-CBN made history on local television nang mag-joint venture sila with Viu sa kanilang tumatakbong top-rating primetime TV series na “Unbreak My Heart” na kinunan pa sa Switzerland at simula pa lamang ito ng marami pang proyekto na kanilang pagsasamahan kasama na rito ang paggawa ng pelikula under Star Cinema featuring GMA stars na sisimulan ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera among others.

Kung nagkaroon man ng shake-up sa rigodon ng TVJ & the Dabarkads at sa paglipat sa kanilang bagong tahanan sa TV5 gayundin ang paglipat ng airing ng “It’s Showtime” sa GTV ng GMA, ang higit na mskikinabang dito ay ang mga manonood dahil mas may option silang mamili ng mga programang kanilang tatangkilikin.

In the end, hindi kaya mas makinabang ang ‘It’s Showtime’ dahil hindi rin basta-basta ang GTV na pag-aari ng GMA? At kung matapos ang kontrata ng TAPE sa GMA, hindi kaya ‘It’s Showtime’ na ang muling makatapat ng bagong noontime show ng TVJ sa TV5? Interesting. Abangan.

FDCP magpapalabas ng mga pelikula

SINCE Pride Month ang buwan ng Hunyo, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay magpapalabas ng “PELIKULAYA (Mga Kuwentong Mapagpalaya), bilang special showcase ng LGBTQIA+-themed films na mapapanood simula ngayong June 23 hanggang June 30, 2023. Ito’y sisimulan ng pagpapalabas ng special screening ng digitally restored and remastered version ng“Wong Kar Wai’s “Happy Together” na gaganapin sa Shangri-La Plaza.

Ang “Pelikulaya 2023” ay mapapanood sa Cinematheque Centres in Manila, Davao, Ilolilo, Nabunturan at Negros at piling-piling cinemas sa Metro Manila at kasama na rito ang Cinema `76 at UP Film Institute’s Cine Adarna/Videotheque.

Ang iba sa mga kalahok na pelikula ay mapapanood on streaming on JuanFlix sa pamamagitan ng www.juanflix.com.ph. simula sa June 30.

Ang mga interesadong manood in Manila ay makakabili ng kanilang tickets sa pamamagitan ng https://bit.ly/CCManilaTickets sa halagang P100 to P200 depende sa titulo.

Ang onsite screenings ng mga kalahok na pelikula sa Cinematheque Centres Nationwide ay ang sumusunod: “Happy Together (Wong Kar Wai), “Girl” (Lukas Dhont), “Portrait of A Lady on Fire (Celine Sciamma), “Women Do Cry” (Vesela Kazako and Mina Mileva), “Billie and Emma” (Samantha Lee), “Mamu, and A Mother Too” (Rod Singh), “Metamorphosis” (J.E. Tiglao), “The Boy Foretold by the Stars” (Dolly Dulu), “Manila By Night” (Ishmael Berna) &*free screening.

Mapapanood din ang showcase ng award-winning short films sa Cinematheque Centres nationwide nang libre tulad ng “Alingasngas ng mga Kuliglig” (Vahn Leinard Pascual), “Love In the Ungodly Hour” (Bradley Jasonm Pantajo), “Dikit” (Gabriella Serrano), “Gulis” (Kyle Jumayne Francisco), “Noontime Drama (Kim Timan and Sam Villa-Real) at “Nang Maglublob Ako sa Isang Mangkok ng Liwanag” (Kukay Zinampan).

Ang mapapanood naman sa online streaming sa pamamagitan ng JuanFlix ay ang sumusunod: “Sila-Sila (Giancarlo Abraham), “Metamorphosis” (J.E. Tiglao), “Mamu, and A Mother Too” (Rod Singh), “Rome and Juliet” (Connie Macatuno), “How To Die Young in Manila” (Petersen Vargas), “Nang Maglublob Ako sa Isang Mangkok ng Liwanag” (Kukay Zinampan), “This Is Not A Coming Out Story” (Mark Felix Ebreo), “Portrait of A Lady on Fire” (Celine Sciamma)” *pay-per-view at “Women Do Cry” (Vesela Kazako and Mina Mileva)*pay-per-view.

Sa pamamagitan ng special programming, hangad ng FDCP na malagay sa spotlight ang maituturing na underrepresented members ng LGBTQIA+ community para maipamahagi ang better understanding of exclusivity, diversity at equality.

“This event (Pelikulaya) airms to raise awareness of LGBTQIA+ issues. We believe that by using the power of film, we can do our part in showcasing films that celebrate LGBTQIA+ stories. Hoping to create understanding of the lives, perspectives and advocacies shows in each film,” pahayag ng FDCP Chairman and CEO na si Tirso Cruz III.

Ang Pelikulaya ay hatid ng FDCP, JuanFlix at Cinematheque Centres at suportado ng Shangri-La Red Carpet, Cinema `76, UP Film Institute, the US Embassy in the Philippines, the Royal Thai Embassy Manila, the Embassy of

Ireland in the Philippines, the Embassy of Mexico in the Philippines at Embassy of Canada in the Philippines.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE