Isko

Isko: July 1 ratings, resulta ng hype at drama

July 4, 2023 Vinia Vivar 342 views

Tanggap ni Isko Moreno kung natalo man sa ratings ang “Eat Bulaga” among the three noontime shows na nagsalpukan noong July 1.

Isa ang dating Manila Mayor sa mga bagong host ng “Eat Bulaga” ng GMA-7.

Sa lumabas na resulta ng ratings last July 1, nag-number one ang “E.A.T.”, pumangalawa ang “It’s Showtime” at ikatlo ang EB.

Ayon kay Yorme sa panayam sa ni Boy Abunda, understandable ang resulta ng ratings.

“That’s understandable because there’s so much hype, drama happened in the past weeks and days,” he said.

“Kami naman, basta tayo, focus lang tayo, ang gawin nating ‘Eat Bulaga’ ngayon, hindi na tungkol sa mga host, tungkol na ‘to sa mga viewer. Maging viewers-centric tayong show, ilapit natin yung ‘Eat Bulaga’ sa kanila,” dagdag pa niya.

Maganda naman daw ang nangyayari ngayong ‘buffet’ na ang noontime shows, meaning, marami nang choices ang mga tao.

Bukod pa rito ay maraming artista at taga-industriya ang magkakaroon ng oportunidad.

Aniya pa, “If there will be buffet, like in this case, lalabas lahat ang galing ng mga artista. Kasi may kumpetensiya.”

Pero hindi raw kailangang magkaroon ng away o galit sa isa’t isa ang mga artista because of the competition.

“We should not hate each other when we’re competing. Kumbaga, parang ang point ko, let us not create hate and expect somebody to fail for you to go up. Parang para tumaas ka, aapakan mo ‘yung likod ng may likod o paa ng may paa,” ang payo ni Yorme.

“O, we congratulated TVJ, at least, mayroon na silang bahay, Paolo (Contis) congratulated Vice Ganda,” aniya pa.

Panawagan pa ni Yorme, magtulungan sila imbes na i-hate ang isa’t isa.

AUTHOR PROFILE