Resort

Isang leksyon

April 11, 2023 People's Tonight 234 views

TAG-INIT na naman sa Pilipinas, isang bansang napapalibutan ng tubig at isa sa paboritong destinasyon ng mga turistang nanggagaling ng iba’t-ibang parte ng mundo.

Ito ay hindi nakapagtataka dahil ang dami-dami nating tourist spots, kasama na ang mga resort at islang may white sand beaches, ayon sa isang lokal na turista.

Kaya nga nakalulungkot naman ang balitang may 57 drowning incidents sa bansa nito lamang nakaraang Holy Week, ayon sa report ng Philippine National Police (PNP).

Hindi nabanggit sa report kung nalunod ang mga ito sa swimming pools o beaches.

Sa 57 drowning incidents na nangyari sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), 62 ang namatay.

Sa kabila ng mga trahedyang ito, ang nakaraang Semana Santa ay “generally peaceful, with no serious security-related incidents,” sabi ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

“We attribute this (peaceful celebration) to police visibility and civilian cooperation for the peaceful observance of the Lenten Season,” dagdag ng Ilocanong PNP chief.

Inaasahan naman na lalong pag-iigihin ng mga otoridad, kasama na ang mga local government unit, ang pagbabantay sa swimming pools at beaches sa buong bansa.

Sana ang pagkalunod ng 62 nating kababayan nitong nakaraang Holy Week ay maging leksyon o “eye-opener” sa ating lahat.

Kailangan nating umaksyon dahil matagal pa ang summer season. Sa init ng panahon ay inaasahang marami pa ang dadagsa sa beaches at swimming pools para magpalamig.

AUTHOR PROFILE