Inno Dy

Isabela folk nagpasalamat sa mga proyekto ni Rep. Dy

October 2, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 487 views

NAGPAABOT ng pasasalamat ang mga residente ng ika-6 na distrito ng Isabela sa mga proyekto, katulad ng road concreting project, ng kanilang kinatawan sa Kongreso na si Rep. Faustino “Inno” Dy V.

Sa kanyang FB post, iniulat ni Rep. Dy ang mga natapos niyang road concreting projects para sa limang barangay ng Echague, Isabela.

Ayon sa kongresista, napondohan ng mahigit P55 milyon ang limang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways.

“Malaking tulong po ito hindi lamang sa poblacion area ng Echague kundi po para sa lahat ng Isabeleno,” sabi ni Rep. Dy.

Matatagpuan ang naturang proyekto sa mga Barangay ng Soyung, Tanggapan, Sto Domingo, Silauan Sur at San Fabian.

Iniulat din ni Rep. Dy, sa pamamagitan ng FB, na nakapagbukas muli sa kanyang distrito ng farm-to-market road project, na pinondohan ng P8 million, sa Barangay San Manuel-Barangay Villa Fermin sa Echague.

Binanggit din ng Isabela solon sa kanyang oost ang pagpapasinaya ng road concreting project para sa Barangay Sta Maria-Barangay San Manuel sa Echague. Nagkakahalaga ng P10 million ang naturang proyekto.

“Isa po itong malaking tulong sa lahat ng ating ka-distrito para sa mas maayos at mas mabilis na pang-araw araw na transaksyon,” sabi ng kongresista.

AUTHOR PROFILE