Richard

‘Iron Man,’ bagong bansag kay Richard

May 10, 2023 Vinia Vivar 293 views

Lately ay pukpukan ang fight scenes ni Richard Gutierrez sa The Iron Heart at halos araw-araw ay may action scenes siya kaya naman aminado siyang physically taxing talaga for him.

“Recently, almost every taping day (na may action scenes), so ‘pag may days na wala akong fight scene, talagang ang sarap-sarap ng pakiramdam. Makakapagpahinga nang konti,” sey ni Chard sa tsikahan with the entertainment press kahapon.

“Kasi nu’ng recently namin, ‘yung last cycle namin, talagang grabe, puro fight scene. Hindi na nga ako nakakapag-work-out sa gym du’n (Cebu) kasi I’m saving my energy for all the fight scenes. Parang workout na rin ‘yung taping namin para sa ‘kin,” dagdag niya.

May mga oras pa nga raw na kahit may sakit siya ay pinipilit niya pa ring kayanin para lang hindi matigil ang taping.

“May mga time nga na may ginagawa kaming fight, like multiple days, and then, bigla akong nagkasakit, parang nilalagnat ako, nandu’n na ‘ko, eh, so no turning back. Ginawa ko pa rin ‘yung fight, and siyempre, nag-medicine ako and all that stuff. Pero talagang bagsak ‘yung immune system ko that time,” tsika niya.

“Actually, there were a few times na nagkasakit ako pero I’m still doing the work. Yeah, physically taxing kasi ‘yun nga, teleserye siya na heavy ‘yung action. Eh, ginusto ko ‘to, eh. Ako ‘yung nagpumulit na gawin ‘to, so…,” natatawang sabi ng aktor.

Kapag nakikita or nababasa naman daw niya ang magandang feedbacks ng audience or kapag mataas ang ratings nila ay tanggal lahat ang pagod niya.

“We’re very happy actually with the ratings, commercial loads, kasi it’s been a while for ABS-CBN at that time slot to compete at that level na lumalampas sa kabila, based on their ratings, ha?

“So kami, we take that pride na we’re doing good, we are giving them a challenge and kahit na walang network ang ABS, we’re still competing very hard at that time slot. So, it makes us proud.

“May chat room kasi kami, lahat ng artists, tapos may magpo-post nu’n, alam mo ‘yun, ‘pag pagod na pagod na kami, we’re on our fourth day of taping, and then, ‘pag may nag-post nu’n, parang lahat nae-energize, tanggal ‘yung pagod.

“So, nakaka-inspire at the same time to work even harder and do better kasi alam namin na nagugustuhan ng audience ang ginagawa namin,” pahayag ni Chard.

Nakakataba rin daw ng puso na kahit saan siya magtungo ngayon, ang tawag sa kanya ay ang karakter niya sa The Iron Heart.

“Actually, kahit saan ako magpunta ngayon, ang tinatawag sa akin, Apollo or Tisoy or Iron Man,” he said.

Sa Cebu pa rin ang kanilang location at sanay na sanay na raw sila sa nasabing lugar at kung saan-saan na nga raw nakakagala ang mga staff and cast doon.

Nasa pangalawang aklat na ngayon ang The Iron Heart na napapanood weekdays at 8:45 p.m. on A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV and TFC IPTV.

Marami pa raw mapapanood na magaganda at malalaking eksena sa serye kaya abangan!

AUTHOR PROFILE