TMC

INISNAB NI KAMATAYAN!

February 27, 2023 Edd Reyes 347 views

Lolo binaril, armas di pumutok, suspek nganga

MARAHIL ay nanghilakbot si Jaime Go, 70, negosyante. Isang baril ang itinutok sa kanya at pinaputok ng lalaking bigla na lang pumasok sa kanyang bahay. Marahil, ay hinintay na lang ng biktima na tumama sa kanya ang bala at malagutan siya ng hininga. Ngunit walang nangyari. Parang mistulang sinabi ni Kamatayan,” Di mo pa oras, lolo.”

Ang insidente ay naganap Linggo ng hapon sa Malabon City.

Nakaupo at nagpapahinga ang biktimang si Go sa loob ng kanyang tirahan sa 37 Bautista St. Brgy. Panghulo nang pasukin ng suspek na nakasuot ng polong long sleeve, itim na short pants at itim na cap at armado ng kalibre .38 revolver dakong alas-4:10 p.m.

Kaagad na binaril ng suspek ang negosyante subalit hindi pumutok ang armas.

Sa inis at gigil ng naburyong na suspek, ibinato na lamang niya sa mukha ng biktima ang kalibre .38 baril at mabilis na tumakas, gamit ang bisikleta,.

Mabilis na humingi na ng tulong ang 35-anyos na babaing kasambahay na nakasaksi sa pangyayari.

Isinugod ng kasambahay ang kanyang amo sa Tondo Medical Center matapos na nagtamo ng malalim na sugat sa mukha matapos batuhin ng baril ng suspek.

Inaalam pa nina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Mardelio Osting ang motibo ng suspek sa tangkang pagpatay sa negosyante habang iniutos na ni P/Col. Amante Daro ang pagtugis sa suspek.

AUTHOR PROFILE