
Indian businessman, pinatay sa Laguna
PATAY ang isang Indian national matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspect nitong Huwebes ng umaga sa Nagcarlan, Laguna.
Nakilala ang biktima na si Chahal Karnail Singh , 62, negosyante at residente ng Barangay Silangan Kabubuhayan, Nagcarlan, Laguna.
Batay sa ulat ng PNP, naganap ang insidente sa Barangay Silangan kung saan nakatayo ang biktima.
Ayon sa ulat, nakarinig ng dalawang putok ng baril ang mga residente at nang lumabas ang mga ito ay nakita na lamang nila ang duguang katawan ng biktima.
Dead on the spot ang biktima bunga ng dalawang tama ng bala sa katawan.
Nawawala rin ang motorsiklo ng biktima gayundin ang kanyang mga kolesyon sa kanyang pautang.