Sarah Lahbati

Inang si Esther, makahulugan ang mensahe kay Sarah: No one can hurt you!

December 23, 2023 Vinia Vivar 198 views

Makahulugan ang mensahe ng nanay ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati para sa kanyang anak na umani ng katakut-takot na reaksyon mula sa netizens.

Ayon kay Mrs. Lahbati, walang pwedeng manakit kay Sarah at handa siyang makipaglaban para sa anak.

“We Love you so much Anak. No one can hurt you! I (am) ready to stand for you. being a human being i respect everyone’s rights,” mensahe ng mudra ni Sarah.

Ito ay sa gitna ng mainit na issue ng hiwalayan ng mag-asawang Sarah at Richard Gutierrez at sa kung anu-anong isyu na lumilitaw bukod pa rito ang parinigan ng mga magulang ng bawat isa.

Samantala, si Richard naman ay nag-post ng mga larawan na kasama ang mga magulang at ang dalawa nilang anak ni Sarah na sina Zion at Kai.

“Proof of life,” ang maikling caption ni Chard.

Sa comment section ay marami ang nagpayo na sana ay ayusin na lang nila ni Sarah ang kanilang problema at huwag nang maghiwalay pa.

AUTHOR PROFILE