Ricoyan

Ina ni Rico, nagsalita na: Please leave Rico and us in peace

July 18, 2023 Vinia Vivar 376 views

Nagsalita na ang pamilya ni Rico Yan hinggil sa talk of the town claim ni Sabrina M. na diumano’y nakarelasyon niya ang yumaong aktor noong nabubuhay pa.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay nagbigay ng official statement ang mommy ni Rico na si Sita Yan hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng yumaong anak.

“It has been 21 years since Rico passed on March 29, 2022. The pain of the family losing a son and a brother, has been permanently etched into our being,” ang simula ng statement ng ina ni Rico.

Patuloy niya, napaka-unfair para kay Rico ang mga nagsi-circulate na usapan ngayon.

“The recent news swirling around Rico is very unfair. He is no longer around to give his comment, to either refute, deny, or acknowledge the claims. It is not only unfair but disrespectful,” ang nakasaad pa sa statement.

Nakiusap ang ina ni Rico na tigilan na ang panggagamit sa kanyang anak at patahimikin na ang kaluluwa nito.

“I ask everyone concerned to please STOP using Rico’s name for their own individual purposes. Please leave Rico and us in peace,” ang pagtatapos ni Mommy Sita.

KAPUSO STARS, KANYA-KANYANG PAKULO SA GMA GALA 2023

Patuloy ang paghahanda ng Kapuso artists sa highly anticipated na “GMA Gala 2023.”

Maliban sa kanilang naggagandahang outfits, kaabang-abang din ang Kapuso couples na magpapakilig sa red carpet.

Kaya naman, kanya-kanya silang pakulo upang makuha ang matamis na oo ng kanilang makaka-date sa GMA Gala.

Tulad ni Paul Salas na idinaan sa romantic surprise dinner ang date proposal kay Mikee Quintos. Say ng isang netizen, “Wow that’s so romantic. I love this couple. Aabangan namin ang mga outfit ng PaulKee.”

Mapapanood ang nakakakilig na video nito sa kanilang vlog.

Ibinihagi naman ni Klea Pineda sa TikTok ang cute video kung saan nasorpresa ang kanyang girlfriend na si Katrice Kierulf sa kanyang tanong na: “Will you be my date on July 22 for GMA Gala Ball?”

Hindi nabigo si Klea sa nakuhang sagot na “Yes, baby!” ni Katrice.

Samantala, isang airport proposal naman ang ginawa ni Jeric Gonzales para sa beauty queen girlfriend na si Rabiya Mateo.

Makikita ang kabuuang proposal sa kanyang Instagram na may caption na, “She said Yes!!! Thank you sa pagpayag na maging date ko on GMA Gala, I love you @rabiyamateo.”

Anyway, mas marami pa kayong makikitang kilig moments sa mismong GMA Gala 2023 kung saan everyone is invited to join sa official red carpet livestream sa July 22, 5 p.m., sa Sparkle social media accounts.

AUTHOR PROFILE