
Imelda Marcos buhay pa — Palasyo
MARIING pinabulaanan ng Palasyo ng Malakanyang na pumanaw na si dating unang ginang Imelda Marcos.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), fake news ang kumalat na balita na pumanaw na ang 94-anyos na unang ginang.
“Fake news’ yung kumakalat na balitang wala na ang dating First Lady,” pahayag ng PCO.
Nabatid na agad na binisita nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos ang dating unang ginang sa hindi tinukoy na ospital.
Kagagaling lamang ni Pangulong Marcos sa Melbourne, Australia para sa Australia-ASEAN Special Summit.
“I just spoke with my mother’s doctors. She is suffering from slight pneumonia and is running a fever. She has been put on a course of antibiotics and the doctors are confident that this will relieve her fever. She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well,” sabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naunang pahayag.