Ice

Ice sa bashers ng ‘EB’ guesting: Ba’t sila mao-offend du’n?

April 25, 2024 Ian F. Fariñas 156 views

DIREKTANG sinagot ng OPM icon/hitmaker at concert director na si Ice Seguerra ang pangba-bash na tinanggap niya nang magdamit-babae siya sa surprise guesting niya sa birthday week ni Vic Sotto sa Eat Bulaga kamakailan.

May ilang kampo umanong na-offend sa pagdadamit-babae niya sa “Peraphy” segment ng EB kaya umani siya ng katakut-takot na pambabatikos.

Sa intimate mediacon ng two-night interactive Videoke Hits concert ni Ice na nakatakdang ganapin sa Music Museum sa May 10 at 11, inamin niya na may mga nakarating ngang negative comment sa kanila ng misis niyang si Liza Diño-Seguerra.

Pero paliwanag niya, “If you ask me, I gave my consent and I think more than anything, ‘yun ang pinakaimportante sa lahat. Siguro if pinilit ako, then that’s a totally different thing. number two, sabi ko, I said yes, because I think right now I’m in a place na I’m very comfortable and confident with my gender identity, with my sexuality that wearing that, wearing women’s clothes, parang ‘di na siya ano sa akin… parang it’s just a role that I play. I mean, I would have roles that I still have to wear those things. So hindi siya stretch. number three, siguro malaking tulong din that I was immersed sa drag scene. Because I saw it as that. I was a drag queen that night, that day, especially ang nag-make-up pa sa akin, si Eva Papaya na isang, ‘di ba, isang pamosong drag queen sa Pilipinas. So, it’s fun to actually live it for a few hours, alam mo ‘yon, kasi I just watch, eh.”

At dahil part-owner nga ang mag-asawa ng drag club na Rampa sa Quezon City, kwento niya, paminsan-minsan ay curious din sila kung ano ang feeling ng naka-drag o kung sakali, ano ang magiging drag names nila.

“Ako, for me, ‘yun lang ‘yon. (Ang) Masasabi ko sa bashers, again, it’s all about consent. I gave it freely, hindi ako napilitan and I actually enjoyed it,” patuloy ni Ice.

Isa pa, hangga’t maaari ay pini-filter daw niya ang mga binabasa o pinakikinggan online. Minsan kasi, hindi na rin nakakatulong sa mental health niya ang ingay ng social media.

Tanong pa ni Ice, “Anong nakaka-offend du’n? Sorry, ha, hindi ko maintindihan ba’t sila mao-offend du’n?”

Samantala, reding-ready na nga ang acoustic singer para sa interactive Videoke Hits concert na produced ng Fire and Ice Live!

Si Ice mismo ang direktor nito habang si Ivan Lee Espinosa naman ang tatayong musical director.

Mabilis ngang bumebenta ang tickets at swerte ng mga may hawak na ng VVIP dahil pwede silang manood ng sound check, may meet and greet at tsansang umakyat sa stage para maki-sing along kay Ice.

Kaya praktis-praktis na ng inyong paboritong videoke songs, lalo na ang Buttercup at Total Eclipse of the Heart, na nagwagi sa isinagawang karaoke classics poll ng Fire and Ice Live!

Mabibili pa rin ang tickets sa Videoke Hits sa Ticketworld at Fire and Ice Live!

AUTHOR PROFILE