Default Thumbnail

‘I DON’T KNOW GUBAN’

August 16, 2024 People's Journal 190 views

DAVAO Representative Paolo Z. Duterte strongly denied the statement of a former Customs intelligence officer who has linked him to illegal drugs.

Rep. Duterte’s statement follows in full:

” Hindi ko po kilala si Jimmy Guban at sigurado ako na hindi rin niya ako kilala. Wala kaming anumang transaction o ugnayan kaya walang rason na siya ay pagbantaan kung babanggitin man niya ang pangalan ko.

“Nais ko pong ipa-alala sa taumbayan na ang salitang ‘star witness’ ay humahalimbawa lamang sa mga taong nagsasalita ng katotohanan lamang at may kredibilidad.

“Hindi po si Jimmy Guban ang taong ‘yan sapagkat siya po ay na i-contempt na ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa kanyang pagsisinungaling. Klaro po na walang kredibilidad ang taong ‘yan at walang basehan ang kanyang mga sinasabi noon pa man, kaya di ko po alam kung bakit bigla po siyang naging star witness dito.

“Nais ko din po sana makita ang kanyang sinumpaang salaysay upang mapag-aralan din namin ng abogado ko.”

AUTHOR PROFILE