
‘Huwag mag-panic buying’

SINIGURADO ni Manila Police District (MPD) chief PBGen. Leo M. Francisco na papanatalihin ng MPD ang peace and order sa Maynila sabay hinikayat ang mga residente na huwag mag-panic buying matapos i-anunsiyo ng Palasyo Byernes na isasailalim ang Metro Manila sa pinakamahigpit o most restrictive enhanced community quarantine (ECQ) mula August 6 to 20.
Ayon kay Francisco, in-assure ni Mayor Isko Moreno at Presidential Spokesperson Harry Roque na walang dahilan para mag panic-buying dahil bukas pa rin ang mga grocery.
‘Papaigtingin ng kapulisan ng Maynila mula PS1 hanggang PS14 ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lungsod. Lalong magiging alerto ang MPD sa kung ano magiging problema dulot ng ECQ. Nakahanda ring tumulong sa mga mamamayan ang MPD 24/7,” ani Francisco.
Nauna rito, binahagi ni Roque sa PTV-4 na ang Metro Manila ay mananatiling nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” mula July 30 hanggang August 5 at lilipat ito sa ECQ mula August 6 to 20.
“Hindi po naging madali ang desisyon na ito. Maraming oras ang ginugol para pagdebatehan ang bagay na ito ,” ani Roque.
Sinabi ni Francisco na ayon sa Palasyo, ipagbabawal ang indoor dine-in services at al fresco dining. Ngunit papayagan ang are take-out at delivery sa Metro Manila.
Ang mga beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail spas ay maaaring magbukas sa ilalim ng 30 percent of venue or seating capacity.
Ang mgs Authorized Persons Outside their Residences (APOR) lang ang papayagang maglabas-masok sa NCR Plus (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, and Rizal).
Papayagan lang ang virtual religious gatherings.
Ang pagtitipon para sa burol, lamay at libing para sa mga yumao ng hindi dahil sa COVID-19 ay limitado lamang sa mga miyembro ng pamilya. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES