
Holdaper huli sa akto, kalaboso
HULI ang 37-anyos na lalaki sa aktong hino-holdap ang convenience store sa panulukan ng Pedro Guevarra at Tayuman Sts., Sta. Cruz, Manila noong Huwebes.
Nakilala ang suspek na si alyas Rolando, residente ng Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila.
Base sa ulat ng Manila Police District-Alvarez Police Community Precinct, natimbog ang suspek bandang ala-1:30 ng madaling araw sa aktong hinoholdap ang convenience store gamit ang balisong.
Namataan nina Police Corporal Anjon Cruz, Corporal Rojay Gaspar at Patrolman Juan Bino ll ang komosyon sa loob ng store.
Nakatakbo pa ang suspek ng aarestuhin na pero nasakote rin sa tulong ng ilang tambay.
Nahaharap sa robbery at paglabag sa BP 6 (iIllegal possession of deadly weapon) ang suspek.