Default Thumbnail

Rumble sa basketball 1 kritikal

April 5, 2024 Edd Reyes 95 views

KRITIKAL ang lalaki na binaril habang nagrarambulan dahil sa basketball sa Taguig City noong Miyerkules.

Nakaratay pa sa Medical Center Taguig si alyas Aldrin at nakatakas naman ang suspek at kanyang mga kasama na promotor ng rumble sa Sta Ana New Market sa Liwayway St., Brgy. Sta Ana, Taguig.

Nangyari ang rumble dahil sa alitan ng dalawang grupo ng mga lalaki habang nagba-basketball sa Sta Ana basketball court,

Nasapol pa sa CCTV ang pag-aabang ng lalaki na may hawak na kahoy na ipinalo sa kaaway na lumabas sa eskinita papuntang Sta Ana New Market na naging ugat ng rambulan.

Nakuhanan din ng CCTV ang pagbunot ng baril ng isa sa sangkot sa rambulan pati ang pagbulagta ng biktima hanggang sa pagtakas ng suspek at kanyang mga kasama.

AUTHOR PROFILE