Facilities

Hoarding

May 17, 2023 People's Tonight 232 views

NAGPAPASAKLOLO na ang gobyerno, sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), sa mga local government official, lalo na ang mga alkalde, sa buong bansa.

Ang gusto ng kagawaran ay tumulong na ang influential League of Municipalities of the Philippines (LMP) para i-monitor ang mga cold storage facility.

Malaki ang maitutulong ng local government units (LGUs) dahil sila nga ang nagbibigay ng business permit sa mga bahay-kalakal sa kani-kanilang nasasakupan.

Alam ng publiko na mayroon tayong mga kababayang walang pusong negosyante na nagtatago ng kanilang mga produkto para palabasing may kakulangan ng supply.

Ito’y madalas na ginagawa nila kapag may natural o man-made disasters/calamities o emergencies para tumaas ang presyo ng mga nasabing produkto.

Kasama ang profiteers, ang mga hoarder sa bansa ang lalong nagpapahirap sa konsumers “during trying times.”

Hinihingi ng DA ang tulong ng local government units (LGUs) sa harap ng pagtaas ng presyo ng red at white onions sa bansa.

Harinawang makipagtulungan na ang mga lokal na opisyal ng gobyerno sa kagawaran para ma-stabilize ang presyo ng “edible bulbs.”

“It seems (there is hoarding) because if there’s a stock in cold storage facilities and the prices are increasing, they are manipulating the release of the stocks and the price,” ayon kay DA Assistant Secretary Rex Estoperez.

Para lang bumaba ang presyo ng sibuyas sa merkado, “DA is also considering the importation of 22,000 metric tons of red and white onions,” dagdag pa ni Estoperez.

Kapag napasara ang mga bodega na may hoarded onions at maipakulong ang mga may-ari nito, siguradong matitigil ang masamang gawain na ito ng mga mapagsamantalang negosyante.

Tiyak ‘yon!

AUTHOR PROFILE