Harlene

Herlene naniniwalang gagabayan siya ng namayapang lola

June 8, 2022 Aster Amoyo 472 views

Harlene1

HINDI na makikita ni Lola Bireng ang higit pang tagumpay ng apo niyang actress-comedienne, host at isa sa Top 40 Candidates ng 2022 Bb. Pilipinas na si Nicole Herlene `Hipon’ Budol-22 dahil sumakabilang buhay na ito nung nakaraang Lunes, June 6, alas-9 ng umaga due to kidney failure at iba pang kumplikasyon tulad ng high blood, diabetes, pneumonia at sa katandaan na rin.

Sobrang ininda ni Herlene ang pagkawala ng kanyang lola na siyang nag-alaga sa kanya since birth kasama ang kanyang Lolo Oreng matapos maghiwalay ang kanyang parents noon.

Ang kanyang grandparents ang dahilan kung bakit nagsisikap si Herlene dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang mga ito.

Nagdadalamhati man si Herlene sa pagkawala ng kanyang mahal na si Lola Bireng, naniniwala siyang patuloy siyang gagabayan nito laluna ngayong nalalapit na ang grand coronation night ng 2022 Bb. Pilipinas na gaganapin sa Araneta Coliseum sa susunod na buwan.

Si Herlene ang tinanghal na Binibining Angono ng Sining nung 2017 pero wala umano sa kanyang parangap na mapasali sa Bb. Pilipinas 2022.

“Manalo’t matalo, isa na pong malaking karangalan para sa akin ang mapabilang sa 40 candidates ng Bb. Pilipinas,” aniya.

Hindi pa man nagaganap ang Bb. Pilipinas coronation night ay panalo na siya bilang Miss Blackwater at pinakabagong brand ambassador ng nasabing produkto para sa taong 2022.

Ang Blackwater ay isa sa mga sister brand ng Ever Bilena , Hyaloo, Careline, Spotlight, Ever Bilena Organics at Hello Glow.

Ang Ever Bilena ay isa sa mga major sponsors ng Bb. Pilipinas pageant.

Samantala, tinatanaw na malaking utang na loob ni Herlene ang pagiging bahagi noon ng “Wowowin” ni Willie Revillame kung saan siya unang nakilala.

Mula sa “Willie of Fortune” segment ng “Wowowin” ay ginawa siyang isa sa mga co-host ng game show host-producer.

First acting job naman ni Herlene sa “Magpakailanman” drama anthology ng GMA hosted by Mel Tiangco sa pamamagitan ng “Yaya Dubai and I” episode. Ito’y nasundan ng mga teleserye na “Madrasta” at “One of the Baes”. Isinadula rin ng “Magpakailanman” ang kanyang buhay sa episode na “A Girl Named Hipon (The Herlene Budol Story)” in 2021.

Umaasa si Herlene na pagkatapos ng kanyang Bb. Pilipinas journey ay lalong gaganda ang kanyang showbiz career.

Jason

Detalye ng wedding nina Jason at Vickie

NUNG September 1, 2021 pa nag-propose ang Kapuso actor-turned politician na si Jason Abalos sa kanyang longtime girlfriend, ang dating beauty queen at ex-PBB housemate na si Vickie Rushton but it was only last June 2, 2022 ipinaalam ng Kapuso actor sa publiko ang tungkol sa kanilang engagement. December 2021 naman nang gawin nila ang kanilang pre-nup shoots pero ngayon lang din naglalabasan ang ilan sa mga ito. Sa buwan naman ng September 2022 mangyayari ang kanilang wedding na gaganapin sa San Antonio de Padua Parish Church in Nasugbu, Batangas.

Jason is 37 at 30 naman si Vickie na pareho nang handang bumuo ng sarili nilang pamilya.

Gerald

Ivana nag-enjoy sa apat na leading men

FILIPINO-Moroccan sexy star and YouTube superstar Ivana Alawi is ABS-CBN’s newest lead star dahil siya ang central character ng bagong primetime TV series na “A Family Affair” kung saan apat na leading men ang ipinagkatiwala sa kanya – sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake at Jake Ejercito. Ito’y magkatulong na pinamamahalaan nina Jerome Pobocan at Raymond Ocampo. Kasama rin sa romance-drama series sina Dawn Zulueta, Edu Manzano, Helen Gamboa, Nonie Buencamino, Heaven Peralejo, Rans Rifol, Aya Fernandez, Kiko Estrada, Ana Abad Santos at kung saan naman may special guest appearances sina Lito Pimentel, Mari Kaimo at youngest sister ni Ivana na si Mona Alawi.

Unknown to many, the original project entitled “Kahit Minsan Lang” was intended for Bea Alonzo, Richard Gutierrez and Christian Bables pero umatras sa nasabing serye si Bea dahil sa intention nitong lumipat ng GMA.

Binago ng Star Creatives TV ang casting at ginawang “A Family Affair” ang titulo with some revisions on the story.

Ang pag-atras ni Bea sa nasabing proyekto ay naging blessing in disguise naman para kay Ivana and the rest of the cast.

Although isa nang YouTube superstar si Ivana with millions of pesos ang earnings buwan-buwan, ngayon pa lamang niya mararanasan ang magbida sa isang TV series.

Ibinahagi naman ni Iva ang kanyang experiences and excitement doing the series na kinunan pa sa Masbate. Ayon sa kanya, sobra umano siyang nag-enjoy sa kanyang mga katrabaho in the cast dahil lahat umano mababait and supportive sa kanya laluna ang kanyang mga leading men.

Si Ivana ay naging contestant sa reality talent search ng GMA, ang Starstruck in 2015 pero hanggang Top 22 lamang ang kanyang inabot. But just the same, she was signed up by GMA Artists Center at napasama sa ilang programa ng network.

Taong 2018 nang magsimula siyang gumawa ng proyekto sa ABS-CBN tulad ng “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi,” “FPJ’s Ang Probinsiyano,” “Sino ang Maysala? Mea Culpa” na siyang nagbigay sa kanya ng award mula sa Star Awards for Television bilang Best New Female Personality at nakagawa rin siya ng ilang pelikula tulad ng “Open,” “3pol Trobol: Huli Ka Balbon.”

Ang “A Family Affair” which will premiere on ABS-CBN channel this month ay siyang magbubukas ng mas marami pang proyekto kay Ivana bilang lead star.

Samantala, kahit pangatlo si Ivana sa kanilang magkakapatid, siya ang ginawang tagapagmana ng kanyang yumaong Moroccan father na si Samier Al-Alawi. It was in 2018 nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama dahil sa heart attack.

Pitong taong gulang pa lamang noon si Ivana nang magkahiwalay ang kanyang parents at mag-isa siyang sumakay ng plane papuntang Pilipinas para sundan ang kanyang ina na si Fatima Marbella, kasama ang kanyang tatlong kapatid na sina Samira, Hashim at Mona.

Prince

Prince Harry mas malaya ang buhay ngayon

KUNG hindi siguro nag-step down bilang senior members of the Royal Family nung January 8, 2020 ay hindi mararanasan ni Prince Harry, Duke of Sussex na mamuhay nang malaya sa Amerika with his wife, ang dating American actress-turned Duchess of Sussex na si Meghan Markle kasama ang kanilang dalawang anak na sina Archie (3) at Lilibet Diana Mountbatten-Windsor (who turned one year last June 4).

Hindi rin siguro makakapag-suot ng casual na damit at blue jeans na may butas si Prince Harry.

Ang mag-asawang Prince Harry at Meghan ay nakabili ng $14.65M 14,500 sq ft property in Montecito, Santa Barbara, California, USA. May sarili itong tennis court, guest house, swimming pool at malawak na garden kung saan malayang nakakapag-laro ang dalawa nilang anak.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermoyo and Twitter@asteramoyo.

AUTHOR PROFILE