Budol

Herlene, may ‘K’ ba umarte?

June 26, 2023 Jun Nardo 324 views

JUDGMENT day kahapon ni Herlene Budol dahil start na ng kanyang GMA afternoon prime series na Magandang Dilag.

Take note, pati sa DZBB radio ng GMA ay pinu-promote ang series niya, huh!

As of this writing ay hindi pa umeere ang Magandang Dilag.

Mag-rate kaya ito? May “K” ba si Herlene umarte?

Mabuti na lang at maganda ang pre-program na mauuna sa series niya dahil top rater ang Abot Kamay Na Pangarap lalo na’t kaabang-abang ang banggaan nina Carmina Villarroel at Pinky Amador plus Dina Bonnevie on the side, huh!

Male star na alaga ng direktor, may pagka-‘exhibitionist’

ALAGA pala ng isang director ang baguhang male star na nag-ahit muna ng kanyang pubic hair bago sumalang sa intimate scenes.

Tinanong namin ang isang kaibigan na naglabas ng blind item tungkol dito. Winner daw ang looks ng male star at kalaway-laway, huh!

Kaya may “K” siya na magpaseksi at magpakita ng katawan.

Pero tila exhibitionist ang dating ni male star. Kasi, matapos mag-ahit, nagsuot ng robe, pumarada at ibinuyangyang sa ilang staff ang inahit na buhok sa kanyang private part, huh!

AUTHOR PROFILE