
Herlene Budol ‘may binalikan’ sa b-day shoot

INALALA ng beauty queen at comedienne-actress na si Herlene Budol o kilala rin bilang “Hipon Girl” ang buhay niya noong hindi pa nagsisimula ang kanyang career.
Nagbahagi ng ilang larawan ang beauty queen na suot-suot ang korona at isang bonggang white-silver gown na gawa ni Leo Almodal habang nasa background niya ang “simpleng” mga bahay pati na mga sampayan at damit.
“Ang sarap balik balikan ang buhay kung saan ka nagsimula,” pahayag ng comedienne-actress sa caption ng kanyang Instagram post.
“I am beyond grateful for those people who help me to grow and to become who I am today. Thank You lord it’s my birthday,” dagdag pa ni Herlene.