Default Thumbnail

Helper nakitang nakabigti sa ilalim ng tulay

December 16, 2021 People's Tonight 270 views

SANDALING nagkaroon ng tensyon ang mga dumaraan sa lugar nang matagpuan ang isang 26-anyos na helper sa ilalim ng tulay sa Nortboundlane sa Andalucia sa Sampaloc, Manila, madaling araw nitong Huwebes.

Nakilala ang biktimang si Roberto Divinagracia, binata, ng 120 Alley F Telecom Compound, Brgy. 310, Sta.Cruz.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Col. Ramon Nazario , Station Commander ng Manila Police District -Barbosa Police Station 14 , bandang 3:30 a.m. nang makatanggap sila ng report na isang lalaki ang umano’y nagbigti sa Andalucia Underpass sa northbound ng Quezon Blvd.sa Sampaloc.

Nang magreponde ang mga tauhan ni Nazarion, nakita pa na sisinghap singhap ang biktima at naghahabol ng hininga.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang binata pero idineklara itong dead on arrival ni Dra.Nicole Tupon.

Sa initial na report ng pulisya lasing umano ang biktima at galing sa beerhouse bago nakitang nakabigti.

Agad itinawag ang insidente sa tanggapan ng MPD – Homicide Section para imbestigahan.

Isasailalim sa masusing imbestigasyon kung may foul play sa insidente.

AUTHOR PROFILE