Heart

Heart, nilinaw ang ’di pagsipot sa kasal nina Lovi at Monty

September 4, 2023 Jun Nardo 242 views

BINIGYANG-PRAYORIDAD ni Heart Evangelista ang amang nasa ospital kaya hindi siya nakadalo sa kasal ng BFF niyang si Lovi Poe sa London, ayon sa report.

Ginawang malaking issue ng mga Marites ang absence ni Heart sa kasal.

Naging viral na ang tanong sa Tiktok.

Eh, naging malapit sina Heart at Lovi nang gawin nila ng movie remake ng Temptation Island.

Nagkaroon pa nga ng issue sa ilang cast members habang ginagawa ang movie, ‘di ba?

Ngayong naglabas na ng sagot si Heart, ang tanong ng mga Marites, BFF pa din ba sila ni Lovi?

KAMAG-ANAK, NAGTATAKA SA KAMALDITAHAN NG FEMALE ACTRESS

NAGTATAKA ang kamag-anak ng isang sikat na female actress sa pagbabago ng ugali nito.

Ayon sa isang kamag-anak niya, nagiging maldita ito at sakit sa ulo ng kanyang ina, huh!

Eh, dahil may pamilya nang iba ang ina, tila pinagseselosan niya ang mga anak ng ina.

Binigyan naman siya ng magandang edukasyon. Pumasok sa showbiz pero hindi masyadong kinagat ng publiko.

Sabi naman ng isa pang kamag-anak, “Baka hindi dugo ng ina ang lamang na nananalaytay sa kanyang dugo kaya hindi kagandahan ang ugali lalo na nu’ng lumaki na siya.”

AUTHOR PROFILE