Heart

Heart is Chiz’s pride

March 8, 2022 Aster Amoyo 672 views

Heart1NOW we understand kung bakit pansamantalang iiwan muna ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang kanyang acting career to focus more on her other passion, fashion and her being a virtual artist.

Senatoriable and outgoing Sorsogon Governor Chiz Escudero must be so proud of her talented beautiful wife dahil nagbibigay rin ito ng karangalan sa Pilipinas dahil sa patuloy na recognition na kanyang nakukuha sa larangan ng fashion world in Paris, France maging sa ibang bansa.

Sa aming pagkakaalam, si Heart lamang ang kaisa-isang Filipina fashion icon na nabibigyan ng ganitong pagpapahalaga ng mga tao sa likod ng mga top fashion brands in Paris including Dior kung saan siya kabilang ngayon.

In her recent visit sa Paris Fashion Week, she also had a chance to have breakfast with the two prominent personalities behind US and British Vogue Magazines, ang editor-in-chief ng magkahiwalay na edition na sina Anna Wintor at Edward Kobina Enninful which was held at the Hotel Le Bristol in Paris.

Although Heart is a different persona from her politician husband, she does not neglect her role as a wife to Gov. Chiz Escudero, her husband of seven years. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, she will help her husband sa campaign sorties nito.

GlaizaGlaiza1Ang mga nakarelasyon ni Glaiza bago kay David

INAMIN sa amin ng 34-year-old Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro na malamang maurong to early part of 2023 ang Christian beach wedding nila ng kanyang Irish businessman husband na si David Rainey dahil marami umano silang factor na kinu-consider at kasama na rito ang pagdating sa bansa ng family and close friends ni David.

Nasa bansa ngayon si David dahil bukod sa kanilang wedding preparation in the Philippines, the couple is putting up a café business in Baler, Quezon kung saan may nabiling beach house ang singer-actress.

“Ang itinatayo naming business is not just intended for the tourists kundi pati na sa locals,” pahayag ni Glaiza.

Ayon sa singer-actress, ang maganda kay David, he’s not taking her away from showbiz dahil naiintindihan niya na ito umano ang kanyang passion.

“He’s very supportive and understanding and he also loves my family and my work,” dugtong pa niya.

In our exclusive interview with Glaiza sa aming online show na “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel, inamin nito na bago niya nakilala ang kanyang Irish husband na si David ay nagkaroon umano siya ng short-lived relationship with three actors at isa na rito si Patrick Garcia who ghosted her at may sariling pamilya na rin ngayon.

She denied to us na naging magkasintahan sila ng yumaong Kapuso actor na si Marky Cielo but they were the best of friends kaya napapagkamalan sila noon na may relasyon.

“He was a very private person. Pagdating sa kanyang pribadong buhay, he would not share it with anyone pati ako,” ani Glaiza tungkol kay David.

Ngayong in town ang husband ni Glaiza na si David, mas lalo umano itong pursigido na pag-aralan ang kultura natin maging ang pagsasalita ng Tagalog and he is a fast-learner.

Sa recent Ambassador’s Night the Film Development Council of the Philippines (FPCP) kung saan isa si Glaiza sa mga recipients ay isinama siya ng kanyang misis, his first public appearance sa isang big showbiz event kaya siya’y na-overwhelmed. He was clad in Barong Tagalog kaya marami sa mga dumalo ang natuwa sa kanya. Nagulat din siya nang sila’y makuyog ng entertainment media bagay na bago sa kanya lalupa’t hindi siya sana’y sa ganitong pagtitipon.

“But he is slowly adjusting kasi sobrang mahiyain si David,” ani Glaiza.

The singer-actress admits na si David umano ang sagot sa kanyang mga dasal dahil hindi umano niya inaasahang magkakaroon siya ng isang napakabait, supportive and responsible husband.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE