Maine

Wish ni Maine, manalong congressman si Arjo

March 8, 2022 Ian F. Fariñas 298 views

HANDA nang maging “First Lady” si Maine Mendoza ng boyfriend na si Arjo Atayde sakaling palarin itong manalo bilang congressman ng 1st district ng Quezon City sa May elections.

Ito ang sinigurado ng main host ng #MaineGoals sa BuKolitan virtual mediacon ng BuKo Channel nu’ng Lunes.

Hiling pa ni Meng, na katatapos lang mag-birthday kasama ang pamilya at si Arjo, sana nga raw ay manalo ang kanyang BF sa eleksyon.

Sa ngayon, wala na raw maisip na iba pang goals si Meng dahil karamihan sa grasyang natanggap niya sa buhay at karera ay hindi niya pinangarap.

Minsan daw, nagtatanong na rin siya.

“I ask the Lord what did I do to deserve all of these? Wala na akong iniisip na gusto kong ma-achieve, I just thank the Lord na lang for everything,” paliwanag niya.

Bukod sa pagiging aktibo bilang Eat Bulaga dabarkads, subsob din si Meng sa tapings ng #MaineGoals na nasa second season na’t napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m.

Kasama sina Chamy at Chichi, mas marami pang i-e-explore na mga bagong lugar si Maine at susubok ng exciting at fulfilling challenges sa #MaineGoals Season 2.

Sa season opener ng show, makakasama nina Maine, Chamy at Chichi ang PoPinoy grand winners na sina Yara at Versus sa isang masayang adventure sa Sky Ranch, Pampanga at Caliraya Resort Club, Laguna.

Marami pang ibang pasabog ang 24/7 BuKo Channel ng Cignal TV ngayong pinasayang Marso.

Nariyan din ang fresh episodes ng Kusina Ni Mamang ng komedyanang si Pokwang tuwing Sabado, 8 p.m., simula March 12.

Absent si Pokwang sa digital media conference dahil pauwi pa lang ng ’Pinas mula sa Dubai Expo. Pero sa Kusina ni Mamang, mapapanood ang husay niya sa pagluluto ng iba’t ibang tradisyonal na Pinoy recipes.

Kasama niya sa show si DJ Jhai Ho at ang guests na sina Tony Labrusca, Elise Josson at marami pang iba.

Magpi-premier din ngayong Marso ang bagong satirical newscast na BalitaONEnan kasama sina Kaladkaren, Alex Calleja at Wally Bayola, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:30 p.m., starting March 21.

Tatalakayin sa mala-Sic O’Clock News show ang latest at current issues sa bansa sa ilalim ng direksyon ng komedyanteng si John “Sweet” Lapus.

Magkakaroon ito ng spoof segments ng One News programs gaya ng Juice Ko Lourd with Lourd DV ni Lourd de Veyra at One-Ted nina Ted Falcon at DJ ChaChaCha.

AUTHOR PROFILE