
Hashtags nag-reunion sa kasal ni Zeus
NAGSILBING reunion ng dating all-male dance group na Hashtags ang recent wedding ng isa sa mga miyembro ng grupo, ang dancer-actor na si Zeus Collins sa kanyang longtime non-showbiz girlfriend at flight attendant na si Pauline Redondo sa isang beach wedding na ginanap sa San Antonio, Zambales nung nakaraang December 9, 2023.
Except for Bugoy Carino, Charles Kieron (CK) at ang yumaong member na si Franco Hernandez na sumakabilang-buhay nung 2017, halos kumpletong dumalo ang iba pang members ng grupo na kinabibilangan nina Jameson Blake, McCoy de Leon, Nikko Natividad, Ronnie Alonte, Tony Doromal, Vitto Marquez, Jimboy Martin, Luke Conde, Jon Lucas, Maru Delgado, Paulo Angeles at Ryle Santiago. Naroon din si Vice Ganda at partner nitong si Ion Perez, Jackie Gonzaga , Elisse Joson, Loisa Andalio at iba pa.
Tuwang-tuwa ang bagong couple na sina Zeus at Pauline dahil bukod sa kanilang respective families ay dumalo rin ang kanilang malalapit na kaibigan in and out of showbiz kahit malayo ang location ng kanilang kasal.
Pops busy uli sa concert stage
MATAPOS ang matagumpay na 20th anniversary concert ng Hitmakers na binubuo nina Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy Zuniga at Marco Sison na ginanap sa The Theater at Solaire nung December 1, 2023 produced ng DSL Productions ni Pops in cooperation with Dream Wings Productions, muling babalikan ni Pops ang concert stage sa darating na February 9 & 10, 2024, a pre-Valentine treat sa kanyang fans and supporters. Ang two-night concert ay gaganapin sa The Theater at Solaire in Paranaque na pinamagatang “Always Loved: A Pops Fernandez Concert” to be directed by her former loveteam and close friend na si Rowell Santiago.
Although nagku-concert pa rin naman si Pops with other concert stars and artists, ito ang unang pagkakataon in years na muli siyang babalik sa stage with her as the main act. Ang maganda rito, magiging isa sa kanyang special guests ang kanyang ex-husband, the Concert King himself na si Martin Nievera.
Up to now ay nananatili pa ring `stage loveteam’ ang dating celebrity couple kaya parating inaabangan ang pagsasama ng dalawa sa concert stage.
Samantala ang dating mag-asawang Martin at Pops ay pareho nang grandparents ngayon matapos magsilang ng kanilang first baby ang girlfriend ng anak nilang panganay na si Robin Nievera na si Mian Acoba ng baby boy na may pangalan na Phineas.
Ayon kay Pops, Lolli-Pops umano ang ipatatawag niya sa kanyang apo instead of Lola habang wala pang maisip si Martin kung ano ang ipapatawag niya sa kanyang unang grandson.
Ang pagdating ni Phineas ang pinakamagandang Christmas blessing na dumating sa kanilang pamilya.
Action genre bumalik dahil kay Coco
DAHIL kay Coco Martin, unti-unti na ring naibabalik ang action genre, this time sa telebisyon na kanyang unang ipinamalas sa pamamagitan ng top-rating and longest-running action drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal sa ere ng pitong taon. Ito’y sinundan ng kanyang tumatakbo ngayong serye, ang “FPJ’s Batang Quiapo” na hango pa rin sa classic hit movie ng yumaong Movie King na si Fernando Poe, jr.
Over at GMA, napakalaking break ang ibinigay ng pamunuan ng Kapuso network sa kanilang in-house actor na si Ruru Madrid (26) nang ito’y magbida sa “Lolong” TV series nung isang taon na agad sinundan ng action-drama series na “Black Rider”. Ito bale ang biggest action-drama series na produced ng GMA in terms of cast and action scenes kasama sina Yassi Pressman, Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Jon Lucas, Zoren Legaspi, Gladys Reyes, Raymond Bagatsing, Gary Estrada, Monsour del Rosario, Raymart Santiago, Roi Vinzon, Empoy Marquez, Isko Moreno, Almira Muhlach, Jason Gainza, Janus del Prado at marami pang iba. Papasok din sa nasabing serye ang 2023 Miss Philippines Universe na si Michelle Dee kung saan may special participation sina Phillip Salvador, Joem Bascon, Carla Abellana, Kier Legaspi at iba pa. Ang serye na nagsimula sa ere nung November 6, 2023 ay magkatulong na pinamamahalaan nina Rommel Penesa at Richard Arellano.
Nagpapasalamat si Ruru sa kanyang home studio sa napakalaking break na ipinagkatiwala sa kanya ang GMA sa pamamagitan ng top-rating series na “Black Rider”.
Speaking of Ruru, he is in a relationship with his co-GMA talent, ang Kapuso young star na si Bianca Umali.
MMFF 2023 stars masipag mag-promote
VERY memorable sa Kapuso prized actor na si Alden Richards ang first guesting nila ni Sharon Cuneta sa noontime program ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime”. Ito bale ang unang pagkakataon ng popular singer, actor, celebrity endorser, host at entrepreneur na makatuntong sa entablado ng “It’s Showtime” na dating kalaban ng old “Eat Bulaga” kung saan kabilang (dati) si Alden bilang isa sa mga Dabarkads at hosts kasama ang kanyang dating ka-loveteam na si Maine Mendoza.
Maging ang dalawa pang Kapuso stars, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay nakapag-guest din sa nasabing noontime show ng Kapamilya network maging sa kanilang Sunday musical variety show, ang “ASAP Natin `To” to promote their reunion movie as a couple, ang “Rewind” na produced ng Star Cinema, ang film company ng ABS-CBN. Sina Alden at Sharon ay nag-promote sa “It’s Showtime” ng kanilang first movie team-up in “A Family of Two (A Mother and Son Story” na isa rin sa mga kalahok ng 2023 Metro Manila Film Festival na magsisimula nang matunghayan sa araw mismo ng Pasko, December 25.
Kung hindi lamang nagkasakit ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto ay napakasipag din nitong mag-promote kasama ang kanyang ka-loveteam at co-star sa “When I Met You in Tokyo” na si Christopher de Leon.
Since mahilig ang mga manonood sa horror films during the festival, malaki ang chance ng “Mallari” ni Piolo Pascual at “Kampon” nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez na pumalo sa takilya. At kung comedy naman ang hanap, nariyan ang “Broken Hearts Trip” ni Christian Bables at ang “Becky and Badette” nina Eugene Domingo at Pokwang.
Parehong love story ang tema ng “When I Met You in Tokyo” nina Vilma Santos at Christopher de Leon maging ang “Rewind” ng mag-asawang Dingdong at Marian. Nag-iisa namang historical biographical drama ang “GomBurZa” na tinatampukan nina Dante Rivero, Cedrick Juan at Enchong Dee habang action-fantasy-adventure naman ang “Penduko” ni Matteo Guidicelli. Fantasy rin ang tema ng “Firefly” na pinangungunahan ni Alessandra de rossi.
Kung dinagsa ng tao ang Parada ng mga Artista nung nakaraang December 16 na dumaan for the first time sa CaMaNaVa area ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela, indikasyon na rin kaya ito na dadagsain din ang 49th Metro Manila Film Festival sa mga sinehan?
Zeinab handa na sa mas maraming movie roles
MARAMING nainggit sa sikat na vlogger-turned actress na si Zeinab Harake dahil nagkaroon siya ng intimate scenes sa mister ni Ellen Adarna na si Derek Ramsay sa pelikulang “Kampon” kung saan tampok din sina Beauty Gonzales at ang 7-year-old child actress na si Erin Espiritu na pinamahalaan ni King Palisoc under Quantum Films.
Hindi ikinakaila ng vlogger-actress na kinabahan umano siya dahil bukod sa first time niyang umarte sa harap ng camera, ka-eksena pa niya si Derek.
Ngayong pinasok na rin ni Zeinab ang larangan ng pag-arte ay ready na umano siya sa iba pang roles na darating sa kanya. Pero mananatili umanong priority sa kanya ang pag-aalaga sa kanyang anak at pagba-vlog.
The vlogger-actress is now in a relationship with cager Ray Parks, Jr.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.