Puno Photo courtesy by POLPhil

Halaga ng boses ng publiko sa usapang pangkayapaan idiniin

January 23, 2024 Jun I. Legaspi 626 views

NAKIISA ang mga kilalang personalidad sa kahalagahan ng partisipasyon ng pangkalahatang publiko sa anumang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng komunista upang direktang makamit ang pangmatagalang kapayapaan matapos nilang ipahayag ang kanilang pangako sa National Peace Advocates Summit (NPAS) sa Hive Hotel Convention Place sa Quezon City.

Pinangunahan ng POLPhil Political Officers League of the Philippines ang pagtitipon na dinaluhan ng may 200 katao na kumakatawan sa iba’t ibang sektor kabilang ang transportasyon, paggawa, akademya, at pamahalaan. Mga dating rebelde at sundalo, solo parents at urban poor leaders, dumalo rin sa nasabing okasyon.

Binanggit ni dating Chief Justice Reynato Puno, sa isang video message sa kaganapan, ang pagsisikap ng POLPhil na marinig ang boses ng mga tao sa mga isyung nakakaapekto sa kanilang buhay, na dapat maging bahagi ng pagbubukas ng diyalogo sa pagitan ng gobyerno at mga makakaliwang grupo kabilang ang CPP /NDF.

Kinilala rin ni Puno ang mga kinatawan mula sa gobyerno at mga rebeldeng grupo para makipagdiyalogo, na, sa kasamaang palad, ay hindi nagbunga.

Hinimok din ni Puno ang grupo na “ipagpatuloy ang mahusay na gawain.”

“Kunin ang posisyon ng mga tao at pakinggan ang kanilang mga boses,” sabi ni Puno, at idinagdag na “upang magkaroon ng makabuluhang usapang pangkapayapaan, kailangan ang interbensyon ng mga tao, ang kanilang partisipasyon at ang pagsasama ng kanilang agenda na nakakaapekto sa marginal sector ng lipunan.”

Sinabi ni Rudy Caneda, pangulo ng POLPhil, sa kanyang welcome remarks na ang pagsasagawa ng summit ay isang political gathering ng iba’t ibang personalidad at pinuno ng bawat sektor na nakikilahok sa isang dayalogo na nakasentro sa pagbabago at pagkakaisa sa hangarin na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Tinalakay naman Hernani Braganza, dating peace panelist, kung paano niya pinangasiwaan ang usapang pangkapayapaan sa mga nakaraang administrasyon. Binanggit niya na lumagda sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ang pamunuan ng NDF noong 1995, sa panahon ng Pangulong Fidel Ramos.

Sinabi ni Braganza, walang pormal na pag-uusap na naganap sa panahon ni Pangulong Joseph Estrada. Ang mga impormal na pag-uusap para sa pagpapalaya ng mga sundalo ay ginawa sa panahon ng panunungkulan ni Gloria-Macapagal. Ang mga negosasyon sa CPP-NPA noong 2001 ay nagwakas matapos isama sa talaan ng US ang CPP-NPA bilang isang teroristang organisasyon.

Si Braganza ay nagsisilbing peace panelist para sa tatlong nakalipas na administrasyon.

Isiniwalat naman Rodolfo Salas, dating tagapangulo ng CPP, ang kanyang kaaya-ayang karanasan sa bilangguan sa loob ng anim na taon nang maging kaibigan at katalakayan ang mga kapwa bilanggo sa hanay ng mga rebeldeng sundalo. Kapwa hinangad ng magkabilang panig ang pagkakaroon ng tunay na kapayapaan para sa kapakinabangan ng mamamayang Pilipino at kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Aniya, impormal na nabuo ang kapatiran sa loob ng selda batay sa iisang layunin. Nang makalaya si Salas sa bilangguan noong 1982, hinikayat siya ng ilang opisyal ng gobyerno upang maging tagapayo sa usapang pangkapayapaan.

Justice is the fruit of peace but can peace be the path to justice? Ganito ang pambungad na mensahe ni Edicio dela Torre, convenor ng Atin Ito. Ipinunto niya na tayo (Filipino/Pilipinas) ay nalalagay sa isang napipintong digmaan na kontrol ng mga makapangyarihang bansa.

Ang kanyang pag-alala ay sinipi sa pag-aaral na mga dalubhasa – ang isang senaryo sa Asia-Pacific bilang bipolar order ng dalawang dakilang kapangyarihan, ang Estados Unidos at China. Ang senaryong ito ay kilala rin bilang “isang bagong uri ng cold war ” dahil ang parehong aktor ay may pagkakaiba sa lipunan at ideolohikal, na madalas na itinatampok sa kompetisyon para sa geopolitical na kapangyarihan.

Kabilang sa iba pang panauhing tagapagsalita na nagbahagi ng kanilang pananaw sa pagkamit ng kapayapaan ay sina Niva Gonzales,board member ng Bantayog ng mga Bayani; Bishop Nilo Tayag – dating Kabataang Makabayan chairman at founder NUF-KGF; Prof. Nestor Castro – Former Vice-Chancellor: Undersecretary Mark Gimenez, PMS Malacanang; Dr. Darwin Manubag – Propesor ng Political Science, Policy and Governance, at Peace and Sustainable Development Studies sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology.

Abel Moya – Director Pakigdait Inc; Assistant Secretary for Cooperative Development Authority Pendatum Disimban; Ret. Police colonel Col. Dong Chico, PMA ng Class 91; Arizza Nocum – tagapagtatag ng KRIS Foundation; Alyanna Lagasca – founder ng Youth for Mental Health Coalition at Apple Esplana Manansala, presidente ng The New Channel (TNC).

Sa huling bahagi ng NPAS ay pumirma ang mga dumalo sa kanilang pangako na suportahan ang kapayapaan.

AUTHOR PROFILE