
Habagat magdadala ng ulan–PAGASA
INAASAHANG magdudulot ang southwest monsoon o habagat ng makakapal na ulap at kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Malaki ang posibilidad na magkaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi dahil sa habagat.
Maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.
Sa ibang dako ng Pilipinas, maaaring magkaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang biglaang pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dahil sa habagat.
Mahalaga na mag-ingat ang mga residente sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng matinding pag-ulan at thunderstorms, paalala ng PAGASA.