
Gumagawa ng fake driver’s license huli
ISA pang online scammer na gumagawa ng mga “fake” driver´s license ang dinakip ng magkasanib pwersa ng Land Transportation Office (LTO) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa entrapment operation sa Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon kay LTO-Law Enforcement Service, director Atty. Clarence V. Guinto sa report na pinadala ng LTO-Malaybalay Office ang suspek ay nakilalang si Alfed Ganbol, 57, ng Misamis Oriental.
Ayon pa kay Guinto, sa entrapment operation ilan sa mga nakumpiska ng LTO-Malaybalay at PNP-CIDG, Bukidnon ay mga finished product driver´s license, LTO-Official Receipt, LTO, Application form para sa driver´s license, P8,000 marked money, P5,00 boodled money, buy-bust, cellphone, at iba pa.
Ang mga nakumpiskang driver´s license ay ready for delivery na sa mga may ari nito, kumpleto ng pangalan, address at iba pang mga detalyadong impormasyon saad ni Guinto.
Sa Investigation ng LTO at PNP-CIDG umaabot ng P8,000 ang singil ng bawat driver´s license kapalit ng questionable na driver’s license.
Ayon kay Guinto ang suspek ay sinampahan na ng kasong Violation of Republic Act 9845, (Anti-Red Tape Act 2007 at Article 171 ng Revised Penal Code (Falsification of Public Documet) sa prosecutor’s office ng siyudad.