Default Thumbnail

Guidance teacher ‘nagbigti’

April 19, 2023 Jonjon Reyes 388 views

ISANG 32-anyos na guidance teacher ang diumano’y piniling wakasan ang sarili nitong buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang tahanan sa Sta. Mesa, Maynila umaga ng Miyerkules.

Sa ulat ni Det. Dennis Suba ng Manila Police District (MPD) Homicide Section na isinumiti kay P/Capt. Dennis Turla, bandang 7:40 ng umaga (Abril 19) nang madiskubre ang nakalambitin umanong ginang habang nakatali ang leeg sa may hagdanan ng kanilang tahanan.

Agad nilang kinalas ang tali at mabilis na isinugod ang biktima sa St. Lourdes Hospital subalit idineklara itong dead on arrival.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang katabi ng guidance counselor ang dalawang anak nito sa higaan ay umalis diumano ng bandang 4:30 ng madaling araw ang ka-live-in nito at saka umano nito ang ginawang pagkitil sa sariling buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente at isasailalim sa awtopsiya ang labi ng biktima.

AUTHOR PROFILE