
GSP Council Board sa OrMin nanumpa
“TO BE of more service to the country.”
ITO ang mensahe ni Gob. Bonz Dolor sa mga bumubuo ng Girl Scout of the Philippines (GSP) Council Board and Standing Committees para sa 2024-2027 matapos manumpa noong Sabado sa Oriental Mindoro Heritage Center.
Sa muling pagkakahirang kay Hiyas Govinda Ramos Dolor (kaliwang larawan) sa ikalawang pagkakataon, lalong nagtiwala si Gov. Bonz at BSP Council Provincial Chairperson sa kanyang maybahay na pamunuan ang GSP.
Ilan sa mga hangarin ng goberbador sa GSP ang pagpapatayo ng mas malaking headquarters para sa samahan, ang renovation ng kasalukuyang headquarters nito at ang paglalaan ng milyong pondo para sa BSP and GSP campsite sa Mansalay.
Ang panawagan ni GSP Council President Hiyas, dapat yakapin ang mga responsibilidad na nakaatang sa mga bagong halal at bigyang inspirasyon ang mga young adult girl scout na maging mahusay na future young leaders.