
GOV. DODO SA HORNETS CLUB
Um-attend si Batangas Governor DoDo Mandanas, kasama si Batangas 5th district Board Member Arthur Blanco (top photo) sa ika-54 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng The Hornets Club ng Calaca, Batangas. Pagkatapos ng mensahe ng gobernador, pormal na ipinakilala sa pagtitipon ni Calaca City Mayor Sofronio Ona, Jr. ang 2023 Muse at Escort ng nasabing samahan. Ginanap ang okasyon sa Calaca Multi-Purpose Gymnasium at dinaluhan ng ilang opisyal ng kapitolyo. Kuha ni Jojo Cesar Magsombol