John

Good bye, John Regala, 56

June 3, 2023 Aster Amoyo 584 views

John1John2TULUYAN nang namaalam ang character actor na si John Regala (John Paul Guido Boucher Sheerer in real life) – 56, kahapon ng 6 a.m., June 3, 2023 due to multiple ailments.

Una naming nakausap ang ex-wife ni John na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt, ina ni John Paul Kieffer, ang 28-year-old biological son ng actor na naka-base na rin Arizona, USA.

John, Jr. was only one-year-old nang magkahiwalay ang kanyang parents. Aurina remarried in the US sa American national na si Stephen `Steve’ Hunt pero hindi sila nagkaroon ng anak making John, Jr. his step-son as his own along with the other son ni Aurina sa ibang nakarelasyon after John na si Christopher Manansala.

Nang magtungo sa Amerika ang mag-ina ni John, muli namang nag-asawa ang huli kay Victoria `Vicky’ or `Gina’ Alonzo na meron ding anak sa iba at naging stepson ng actor.

Nung nagsasama pa sina John at Aurina ay nagkaroon sila ng adopted son na si Gilbert.

When John got hospitalized sometime in August 2020, kami ang gumawa ng paraan na ma-locate si Aurina and her son at ito ang naging simula ng kanilang komunikasyon sa actor. Aurina would even send money to John para makatulong sa kanyang mga pangangailangan.

Since may work si Aurina at may problema sa US passport si John, Jr., hindi sila makakauwi ng Pilipinas for the wake. Pero nagpapasalamat ang mag-ina sa Iglesia ni Cristo na siyang nag-aasikaso sa pagkamatay ng actor.

Si John ay anak ng namayapang veteran actress si Ruby Regala maging ng yumao na ring veteran actor na si Mel Francisco. It was in the mid-`80s nang pasukin ni John ang showbiz tulad ng kanyang mga magulang. Naging bahagi si John ng “That’s Entertainment,” ang youth-oriented program ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno on GMA from 1986 to 1988.

Pero bago siya naging bahagi ng youth-oriented program ni Kuya Germs ay naging bahagi siya ng pelikulang “Bagets Gang” in 1985 at nagtuluy-tuloy ang kanyang pagganap sa mga villain roles hanggang mabigyan siya ng break ng OctoArts Films na magbida ng sarili niyang pelikula sa pamamagitan ng “Totoy Buang: Mad Killer ng Maynila” na pinamahalaan ni J. Erasteo `Baby’ Navoa at kung saan niya naging leading lady sina Aurora Sevilla at Rina Reyes. But prior to this, siya ang ginawang main contravida ng launching movie ni Jeric Raval bilang action star sa bakuran ng OctoArts, ang “Primitivo `Ebok’ Ala: Mortal Na Kaaway ni Baby Ama” with John playing the role of Baby Ama.

Naging in-demand si John sa iba’t ibang action movies noong `80s to the `90s with him playing lead villain or bad boy roles. He did quite a number of films at kasama na rito ang “Kamandag ng Kris,” “Alyas Baby Face,” “Jabidah Massacire,” “Kunin Mo ang Ulo ni Israel,” “Babayaran Mo ng Dugo,” “Walang Panginoon,” “Lihim ng Golden Buddha,” “Kapatid Ko si Hudas,” “Iisa-isahin Ko Kayo” at marami pang iba. Nakasama rin siya ni Kris Aquino sa crime dama movie na “The Vizconde Massacre”.

In 2011, John won Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival for the movie “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story”. On same year, he was nominated for Best Supporting Actor ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino for the movie “Fatima Buen Story”.

John had a controversial start in showbiz dahil inilahad niya on national television na pinabayaan umano siya ng kanyang biological father na si Mel Francisco whom he never had a good relationship with nung ito’y nabubuhay pa.

Bago naging inactive si John sa kanyang showbiz career dahil sa kanyang karamdaman ay napanood pa siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” in 2016.

Samantala, ang burol ni John ay sa St. Peter Chapels in Commonwealth Avenue in Quezon City. Details of the burial will be announced later.

AUTHOR PROFILE