Gloria

Gloria respetado hanggang ngayon

December 16, 2023 Aster Amoyo 1267 views

Gloria1Gloria3Gloria4Gloria5Gloria6Gloria7Gloria8Gloria9MOVIE Queen and movie icon Gloria Romero turned 90 years old today, December 16 and philanthropist and former politician Manay Gina-Perez-De Venecia (one of the children of Sampaguita Pictures producer Dr. Jose Perez) hosted an advance birthday celebration for her a day earlier at the Sampaguita Gardens Events Place. This was attended by Gloria’s former colleagues at Sampaguita Pictures and other close friends including Helen Gamboa-Sotto and daughter Ciara Sotto, Barbara Perez, Daisy Romualdez, Pepito Rodriguez, Marita Zobel, Liza Lorena, Celia Rodriguez, Ricky Davao, Laurice Guillen, beauty czar Ricky Reyes, Manay Gina’s younger siblings, Lilibeth and Chona. among others.

Gloria made her last movie, the award-winning film “Rainbow’s Sunset” together with the late Eddie Garcia and Tony Mabesa in 2018 na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan habang ang kanyang huling TV appearance ay sa long-running fantasy anthology ng GMA, ang “Daig Kayo ng Lola Ko”.

Even before the pandemic ay on a semi-retired mode na rin si Gloria, a Fil-Am veteran award-winning actress whose real name is Gloria Anne Borrego Galla, ang nakababatang kapatid ng yumaong popular actor na si Tito Galla.

Gloria was 16 years old in the late 1940’s nang pasukin niya ang showbiz na may basbas ang kanyang yumaong ama na si Pedro Galla.

Si Gloria at ang kanyang tatlong kapatid ay sa Amerika isinilang. Before World War II, her father left for the US to study at doon niya nakilala ang kanyang American-Spanish wife na si May Borrego.

Taong 1937 nang magdesisyon ang father ni Gloria na sila’y magbakasyon sa Pilipinas to visit her grandparents in Mabini, Pangasinan. Na extend ito nang na-extend hanggang sa dito na sila abutan ng giyera. Days before the war was over ay sumakabilang-buhay ang ina ni Gloria at naiwan sila sa kalinga ng kanilang ama and their paternal grandparents.

Si Gloria at pangatlo sa apat na magkakapatid. Ang kanilang panganay na si Louise ay isang nurse, si Tito ay naging kilala bilang actor habang ang kanyang youngest sibling na si Gilbert ay isang doctor na sa US naka-base.

Eleven years old pa lamang si Gloria ay gusto na nitong mag-artista. After high school ay lumuwas ang kanilang pamilya sa Maynila at dito naisakatuparan niya ang pangarap niyang maging isang artista with her father’s consent.

Taong 1949 nang maging extra si Glora sa pelikulang “Ang Bahay sa Lumang Gulod” na sinundan ng dalawa pang pelikula under Premiere Productions, ang “Prinsipe Don Juan” at “Ang Bahay na Tisa” in 1951. On same year, lumipat si Gloria sa bakuran ng Sampaguita Pictures sa tulong ng kanyang distant uncle na si nardo Rosales na siyang chief editor ng studio. Muli siyang naging extra sa mga pelikulang “Prinsesa at Pulibi,” “Kasintahan sa Pangarap,” “Dugong Bughaw” at “Barbaro”.

Taong 1952 nang siya’y gumanap sa supporting role sa pelikulang “Madame X” at nagsimula naman siyang magbida sa “Palasig” with Cesar Ramirez (ama nina Ace at Beverly Vergel) na sinundan ng “Monghita” opposite Oscar Moreno (ama ni Boots Anson Roa) na sinundan ng “Confradia” with Ramon Revilla, Sr.

Ang mga naunang pelikula ni Gloria ay ginawang launching vehicles ng ibang Sampaguita stars tulad nina Lolita Rodriguez, Ric Rodrigo at Luis Gonzales sa pelikulang “Pilya” in 1954, same year nang matanggap niya ang kanyang kauna-unahang Best Actress award mula sa FAMAS for the comedy film na “Dalagang Ilocana”. Si Gloria bale ang kauna-unahang actress na ginawaran ng Best Actress trophy ng FAMAS for acting in a comedy film. Sumunod na rito ang iba pa niyang blockbuster movies tulad ng “Kurdapya,” “Despatchadora,” “Alaalang Banal, “at iba pa.

In 1957, nakagawa na noon si Gloria ng 24 films na halos lahat ay box office hits at kasama na rito ang “Sino ang May Sala,” “Hong Kong Holiday,” “Paru-Parong Bukid” and more.

Nung September 24, 1960 ay nagpakasal si Gloria sa kapwa niya Sampaguita co-actor na si Juancho Gutierrez na ginanap sa Santuario de San Antonio in Forbes Park in Makati City and was considered “Wedding of the Year’ which was covered ng iba’t ibang radio stations, leading newspapers and magazines. Ang mga tumayong bridesmaids ay sina Susan Roces, Amalia Fuentes, Barbara Perez at Daisy Romualdez. Mga kilalang personalidad din ang bumuo ng wedding entourage. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng isang anak na si Maritess Gutierrez na sandaling nag-showbiz but is now an executive chef at meron din itong isang anak na si Chris Gutierrez, ang kaisa-isang apo ng veteran actress.

After twelve years of marriage, nagkahiwalay sina Gloria at Juancho but the former did not remarry. Taong 2000 nang magka-diabetic stroke si Juancho na naging daan ng pagka-paralisa nito. Maritess talked to her mom kung puwede nilang kunin ang kanyang dad para alagaan until his death in 2005.

During her prime, naging paborito rin siyang modelo ng National Artist for Fashion na si Ramon Valera. Gloria was her signature model.

Naging in-demand din siyang celebrity endorser noon for radio and print at kasama na rito ang Coca-Cola as one of the pioneering endorsers ng softdrink brand in the Philippines, Talon Zipper, Dari Creme, Instant Sanka Coffee, Swans Down cake flour, Calumet baking powder, Johnson’s Talcum Powder, Camay and Gloco beauty soaps at iba pa.

Throughout her entire career in a span of over seven decades, kilala si Gloria sa pagiging regal, professional, warm and friendly and untainted ang image at isa sa mga hinahangaan at nirerespetong movie icon.

Ang ilan pa sa mga pelikulang hinangaan siya ay sa “Condemned,” “Saan Nagtatago ang Pag-ibig,” “Tanging Yaman,” “Magnifico,” “Dahil May isang Ikaw” at iba pa.

Kamuntik din siyang maka-grand slam bilang Best Actress sa pelikulang “Tanging Yaman” in 2000. She was awarded Best Actress ng Metro Manila Film Festival, FAMAS, Luna Awards ng Film Academy of the Philippines and Gawad Urian maging ang Best Performance mula sa Young Critics Circle.

She won Best Supporting Actress mula sa Gawad Urian for the movie “Magnifico”. She was also awarded Best Actress plum ng Golden Screen Awards mula sa Enpress for the movie “Fuchsia”.

Hinangaan din siya sa kanyang naging character sa long-running TV sitcom noon ng ABS-CBN, ang “Palibhasa’y Lalake”. After being with ABS-CBN sa loob ng 15 years ay lumipat siya ng GMA nung 2011 kung saan siya nakagawa ng ilang serye at kasama na rito ang fantasy anthology na “Daig Kayo ng Lola Ko” maging ang seryeng “Munting Heredera’. Ang iba pa niyang ginawang serye sa Kapuso Network ay ang “The Rich Man’s Daughter,” “Juan Happy Love Story,” “Meant To Be,” “Nino” at iba pa.

Si Gloria ay iniidolo hindi lamang ng kanyang mga kasamahan sa industriya kundi maging ng publiko. A well-loved personality, nananatili ang paghanga at pagrespeto sa kanya ng lahat.

Wala nang warmth sa pagitan nina Kathryn at Daniel

DALAWANG beses nang nagkasama on stage ang dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padillaafter their recent break-up.

Itinuloy ng dalawa ang kanilang duet number sa Christmas Special ng ABS-CBN na ginanap sa Araneta Coliseum last December 13 at kinabukasan ng gabi, December 14 sa Asia Artist Awards na ginanap sa Philippine Arena. Although kapansin-pansin na wala na roon ang dating warmth sa isa’t isa, ipinakita pa rin ng dalawa na professional sila pagdating sa kanilang trabaho.

Sina Kathryn at Daniel ay parehong prized stars ng ABS-CBN.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”
and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE