Gloria

Gloria kay Ipe: ‘Yung anak mo padalan mo ng pera

April 15, 2025 Vinia Vivar 94 views

Pinagpipistahan ngayon sa social media ang maanghang na pahayag ni Miss Universe 1969 at veteran actress Gloria Diaz tungkol sa action star na si Phillip Salvador.

Buong tapang na nagkomento ang dating beauty queen sa video na ipinost ng username na @nanay_bebot_official sa Instagram kung saan ay makikita si Kuya Ipe na nagbibigay ng speech sa isang tila ay rally.

“Bring him home!” ang paulit-ulit na sigaw ng action star na ang tinutukoy marahil ay ang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong sa The Hague sa Netherlands.

Sa comment section ay makikita ang prangkang komento ng first Pinay Miss U.

Aniya, “‘Yung anak mo padalan mo ng pera.”

Actually, two weeks ago pa ang komentong ito ni Gloria pero ngayon lang ito napag-usapan nang husto sa socmed at online showbiz sites.

Tsinek nga namin kung legit IG account ba talaga ni Gloria ang nag-comment at mukhang siya talaga base na rin sa mga post niya na nagkokomento pa ang kanyang anak na si Isabelle Daza.

Needless to say, bilib na bilib ang netizens sa pagka-outspoken ng veteran actress na isa talaga sa qualities na hinahangaan sa kanya noon pa man.

Wala pang reaksyon si Kuya Ipe tungkol dito. Bukas naman ang People’s Tonight para sa kanyang pahayag.

AUTHOR PROFILE