Angeline Larawan mula sa IG/Angeline Aril

Ginintuang katawan

April 24, 2024 People's Tonight 101 views

KUMIKINANG ang alindog ng new Vivamax babe na si Angeline Aril.

Sa latest Instagram post ng sexy star, nakakasilaw ang kanyang kaseksihan sa bagong mga bikini photos.

Nagliwanag ang mata ng mga kalalakihan nang masilayan nila ang ganda ng pigura ni Angeline sa suot na metallic gold two-piece swimsuit.

Kapansin-pansin din sa mga larawan ang glowing na ganda ng hot actress. Fierce kung fierce ang awra ni Angeline.

Looking expensive na parang alahas na ginto ang kanyang atake sa nasabing post.

Kahit na baguhan pa lamang sa industriya, naipamalas na agad ng 19-year-old FEU student na si Angeline ang kanyang husay sa pag-arte nang bumida siya sa Vivamax original film na “Cheaters” kung saan ipinalabas sa umpisang linngo ng Abril ngayong taon.

Sa direksyon ni Dustin Celestino ang nabanggit na pelikula kung saan kasama ni Angeline ang iba pang Vivamax stars tulad nina Aerol Carmelo, Kara Fernandez, at Jhon Mark Marcia.

AUTHOR PROFILE