
Gil, nanliligaw kay Lexi
NILILIGAWAN ni Kapuso host/actor Gil Cuerva ang StarStruck First Princess na si Lexi Gonzales.
Inamin ni Gil ang panliligaw kay Lexi nang sabay silang mag-guest sa nakaraang episode ng GMA morning show na Mars Pa More.
Kilig-kiligan naman sa pag-amin ang hosts na sina Iya Villania at Camille Prats.
Ayon kay Gil, nagustuhan niya si Lexi nang mag-guest siya sa Taste Buddies.
Sey naman ni Lexi, nasa getting-to-know-each other stage pa sila ni Gil. Ni Jun Nardo