De Lima Dating Sen. Leila de Lima

Gentleman’s agreement binira ni de Lima

April 12, 2024 People's Tonight 92 views

MGA traydor umano kung ituring ni dating Sen. Leila de Lima si dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng Gabinete nito, dahil sa pagpasok sa isang “gentleman’s agreement” sa China na hindi kukumpunihin ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Tinuligsa rin ni de Lima ang mga dating miyembro ng Gabinete ni Duterte dahil sa magkakasalungat na pahayag ng mga ito. Ang dating senador ay nakulong noong panahon ng administrasyong Duterte matapos nitong tuligsain ang madugong war on drugs.

“Two years after they left office, the Duterte Cabinet continues its tradition of disorganization, incompetence and confusion. Now Panelo is saying there was never a ‘gentleman’s agreement’ between Duterte and Xi Jinping, after Roque said there was and that because BBM is not living up to this secret agreement, the Philippines will lose Ayungin,” ani de Lima.

“Which is which? These being Duterte’s men, there is no hope in getting any clear message or straightforward answer from them. But it does not matter. The only thing that matters is we know they are all traitors and will sell us for 30 pieces of silver. Mga Hudas sila sa Pilipinas at sa lahat ng mga Pilipino,” dagdag pa nito.

Nauna ng sinabi ni Harry Roque, dating presidential spokesman ni Duterte, na mayroong pinasok na “gentleman’s agreement” ang dating Pangulo sa China na limitahan ang suplay na ipinadadala sa BRP Sierra Madre.

Kinondena rin ni de Lima si Sen. Imee Marcos, chairperson ng Senate committee on foreign relations, dahil sa pagiging apologist umano ni Duterte.

Sinabihan ni Sen. Marcos ang mga kritiko ng “gentleman’s agreement” na “overacting” o “OA” at iginiit na praktikal lamang ang ginawa ni Duterte.

“Sen. Imee is just being consistent in her role as a top Duterte defender/ apologist which baffles many,” sabi pa ni de Lima na dating chairperson ng Commission on Human Rights.

“What is clear is that Duterte entered into a secret agreement with Xi Jinping on the non-confidential subject-matter of resupply trips to our outpost in Ayungin Shoal well within our EEZ (exclusive economic zone), the supposed details of which are just being disclosed now,” sabi pa nito.

“The secretive manner of the conduct of foreign policy on a matter as important as surrendering our prerogatives within our own EEZ only makes the whole affair suspicious and reeking of a treasonous sell-out,” dagdag pa ni de Lima.

AUTHOR PROFILE