Gary V kakanta sa National Day of Prayer sa Amerika

May 7, 2021 Aster Amoyo 600 views

NGAYONG umaga at 7 a.m. (Manila Time), May 8, araw ng Sabado (May 7, Friday in the US) ay mapapanood ang 56-year-old `Mr. Pure Energy,’ ang singer-songwriter, dancer, music producer and performer at host na si Gary Valenciano bilang isa sa mga international performers sa virtual National Day of Prayer sa Amerika. He is to perform his own composition “Make Me Whole Again,” na isang malaking karangalan para sa kanya. Ito’y matutunghayan via livestream on Pray.com at sa fb.com/PRAY nan aka-link sa FB page ni Gary V.

A devout Christian, Gary V. himself credits the Lord for his continuous strength sa kabila ng kanyang comorbidities at iba’t ibang trials dahil sa kanyang health condition.

Gary V. has type-1 diabetes since he was young. It was in early May 2018 sa kanyang performance sa “ASAP Natin `To” kung saan siya mainstay nang makaramdam siya ng paninikip ng dibdib. He was immediately rushed to the hospital and underwent an open heart surgery. Six days later later, he was discharged from the hospital. On the same month, he was faced with another life-changing challenge when he was diagnosed of cancer on his right kidney. In two months’ time, he underwent two operations.

While he credits and thanked his good doctors and nurses who took care and attended to him, he owes his life to the Lord na never siyang pinabayaan sa lahat ng kanyang battles na pinagdaanan.

Gary V. is also honored and humbled with the invitation for him to perform (virtually) at the National Day of Prayer sa Amerika na taun-taon ginaganap in the U.S.

“Prayer is one of the most important aspects of the Christian faith, and right now our country needs prayer more than ever.

“Join me and other faith leaders on May 7, Friday at 7 am. PHT (4PM PST, 6 PM CST, 7PM EST) as we gather together on the National Day of Prayer.

In the U.S you can tune into Pray Radio on Sirius XM, globally, go to pray.com and register today to be included in the event, or download the pray.com app. Inviting my loved ones and friends to also hop on the public Facebook stream via FB.com/PRAY or on my own page at FB.com/GaryVOfficial.

“Join us, pray, be encouraged, and together let’s lift up the physical, mental, and spriritual health concerns of people all around our nation on this very special day of prayer. I’ll see you this National Day of Prayer on pray.com,” imbita ni Gary V. sa kanyang FB account.

Samantala, Gary V. is now on his 38th year sa entertainment business.

Pagkawala ng ABS-CBN franchise ginunita

GINUNITA ng mga mga empleyado at talents ng ABS-CBN ang ika-isang taon ng pagkawala ng prangkisa ng TV network nung nakaraang May 5 na naging daan sa pagkawala ng trabaho at pagkakakitaan ng libu-libong mga kawani at mga talents at higit sa lahat ang pagkawala ng access ng publiko sa malayang pamamahayag, impormasyon at entertainment .

Gayunpaman, umaasa pa rin ang pamunuan, mga empleyado at talents maging ang napawalay sa ABS-CBN na sana’y dumating pa rin ang panahon na maibabalik ang prangkisa ng TV network na pakikinabangan pati ng publiko laluna ang mga taong kanilang natutulungan sa tuwing may delubyo o sakuna sa ating bansa.

Although maraming talents ng ABS-CBN ang naging loyal sa TV network, maituturing ang aktres na si Angel Locsin ang isa sa mga mukha ng Kapamilya na nakikipaglaban na muling maibalik ang free broadcast ng ABS-CBN. Kaya naman, the TV network stood by her nang masangkot si Angel sa isang matinding kontrobersiya matapos mamatay ang isang nakapila sa kanyang isinagawang community pantry sa kanyang kaarawan last month.

Speaking of Angel, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig nito maging ng kanyang fiancé, ang businessman, producer at director na si Neil Arce kung anong petsa sa taong ito gaganapin ang kanilang kasal na naurong since last year dahil sa pandemya.

Misis ni Dion buntis sa pangalawang baby

MAY baby na ang Kapuso actor, musician at Starstruck alumnus na si Dion Ignacio nang ito’y mag-propose sa kanyang non-showbiz long-time partner na si Aileen Sison last January na sinundan ng kanilang intimate wedding Sa Viridis Country Side Garden in Tagaytay last March.

Ang pandemic ang dahilan kung bakit nabalam ang kanilang wedding na plano nila nung umpisa na isang simple civil wedding rites na lamang but changed their plan to an intimate garden wedding na dinaluhan ng kanilang respective families at ang bumubuo ng wedding entourage including the principal sponsors.

Ang kanilang eldest daughter na si Dylanne Jailee ay nakatakdang magkaroon ng baby brother or sister dahil buntis ngayon si Aileen sa pangalawang baby nila ni Dion.

Si Dion ay dating rhythm guitarist ng rock band na Philia kung saan din nagmula ang singer-actress na si Arci Munoz as lead vocalist.

Ricky Lo may star na sa Eastwood Walk of Fame

BINIGYAN ng pagkilala ng The Eastwood City Walk of of Fame ang isa sa mga tumatayong board member, ang namayapang veteran journalist, entertainment editor/columnist ng Philippine Star na si Ricky Lo by honoring him with his own star sa kilalang Walk of Fame na matatagpuan sa Eastwood City in Quezon City which was founded by the late Master Showman and star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno on December 1, 2005. Ito’y patterned sa Walk of Fame in Hollywood, California, USA.

Ricky Lo was a popular celebrity in his own right dahil naging host din siya sa ilang showbiz-oriented talk shows which include “Startalk” ng GMA.

The young-looking veteran journalist and a friend to many in and out of the industry, passed on nung nakaraang May 5 at 11 p.m. due to cardiac arrest at age 75.

Ricky will be sorely missed not only by his family, relatives and friends by the entertainment industry he has served for over 5 decades.

Subscribe, like and share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel, follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE