Gary

Gary V hahataw one last time

March 11, 2024 Eugene E. Asis 138 views

INANUNSYO ng legendary Filipino-Puerto Rican performer at inspirational icon na si Gary Valenciano, na kilala rin bilang Mr. Pure Energy, ang kanyang upcoming project na pinamagatang Pure Energy: One Last Time nuong Disyembre 21, 2023 sa pamamagitan ng isang simpleng post. Nagpasilip si Gary sa isang significant shift sa kanyang apat na dekadang karera. At mangyayari ang concert project sa SM Mall Of Asia Arena (MOA) sa darating na Abril 26 at 27.

Sa nakalipas na apat na dekada, katumbas ng pangalan ni Gary ang mga chart-topping hits, high-energy performances, at ang kanyang walang katulad na kakayahang kumunekta sa mga manonood di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na rin. Nabiyayaan si Gary na magtanghal sa pinakamalalaking entablado sa mundo, mula sa Luneta Grandstand kung saan humigit 500,000 ang nanood hanggang sa Tamar Site sa Hong Kong kung saan nag-perform siya sa Hong Kong Harbor Music Festival nuong 2003.

Nuong 2023, minarkahan ni Gary ang kanyang 100th solo show sa Music Museum sa kanyang matagumpay na sold-out at 10-night concert series na Gary V: Back At The Museum. Mula sa initial run nito na apat na shows nuong Agosto 2023, dalawang beses itong na-extend, at pinapakita nito ang enduring appeal at impact ng kanyang musika at performances. Nakakuha din siya kamakailan ng multiple standing ovations sa kanyang jampacked North American tour.

Madami ang nag-isip na magreretiro na si Gary sa titulo ng kanyang upcoming MOA Arena na Pure Energy: One Last Time. Ngunit kanyang nilinaw na hihinto siya sa pagbibida sa mga solo shows sa mga malalaking venues gaya ng mga arena at mga dome, hindi naman mawawala ang kanyang pagmamahal sa musika at pagtatangghal. Sa katunayan, magpi-perform pa rin naman siya sa mga malalaking venues kapag may kasama siyang ibang mga artist.

Hindi naman mag-slow down si Gary. Kakapanalo lang niya ng GEM Awards bilang Best TV Host para sa kanyang kuntribusyon bilang isa sa mga major music pillars ng ABS-CBN. Nananatili siyang aktibo sa ASAP Natin ‘To tuwing Linggo ng tanghali sa ABS-CBN. Bilang isang mentor, naging judge at coach ang 12-time Awit Awards Best Male Recording Artist recipient sa The X-Factor Philippines, Your Face Sounds Familiar, It’s Showtime’s “Tawag Ng Tanghalan,” at Idol Philippines, kung saan isa siya sa mga judges ngayong 2024.

aya naman madami ang nagtatanong kung bakit siya mag-step back? Simple lamang ang sagot. Hi goodbye ang Pure Energy: One Last Time. Ito ay transition. Sa kabila ng resistance mula sa kanyang team, siya ay nag-desisyon. Mamarkahan ng concert series na ito ang huling beses na magtatangghal siya ng concert nag anito kalaki, at ito ay maganda. Gusto niyang ibalik ang biyaya sa mga mas maliit na venues at sa mga fundraisers..

Sa kanyang recent heartfelt post sa kanyang Instagram account, binahagi ni Gary: “I’m celebrating 40 years of doing what I’ve always loved most. And with gratitude in my heart for the One source of Pure Energy, I look forward to the new chapters, seasons, beginnings, and horizons that lie ahead. It’s time…Let’s Go Big…ONE LAST TIME!!!”

Madami ang umiyak. Madami ang nag-protesta. May mga news channels na nagsabing ito na ang kanyang farewell show. Inulan ng mga tanong ang kanyang social media sites. Klinaro naman ni Gary na maghahanap siya ng ibang paraan para kumunekta sa kanyang mga fans. Matapos din niyang pagdaanan ang ilang mga medical challenges gaya ng kanyang 45 taon na laban sa Type 1 diabetes, isang heart bypass surgery, kidney cancer, dengue fever, COVID-19, at ang katatapos lamanng na angioplasty kung saan nilagyan siya ng dalawang stents sa kanyang heart artery nuong Pebrero 3, naisip niya nab aka kailangan niya ng mga less stressful activities. Ngunit sinabi ng kanyang cardiologist na si Dr. Enrique Posas na pwedeng pwede pa ring humataw si Gary habang sinabi niya na “You have a brand new heart.” Isang linggo matapos ang kanyang operasyon sa puso, sumasayaw at nagtatatalon si Gary kasama ang 2,500 fans sa Southridge, Alabang!

Maaaring abangan ng mga fans na manonood ng Pure Energy: One Last Time ang isang meticulously crafted show na ihahain ang biggest hits ni Gary na talaga naman fan favorites. With stage direction by Paolo Valenciano and musical direction by Mon Faustino, ipapakita ng concert ang multi-faceted talents ni Gary. Mapupunta ang proceeds ng concert sa Valenciano family advocacy, ang Shining Light Foundation.

In high demand ang tickets para sa Pure Energy: One Last Time, at para mas maging available ang tickets para sa mga fans, inayos ng SM MOA Arena team seat plan ng venue para mas madami ang makabili. Sold out n asa SM Tickets ang lahat ng premium seats nuong unang weekend na ni-release ang tickets online. Nagtutulungan ang Manila Genesis team, ang production and management group ni Gary sa nakalipas na 38 taon, at ang ticketing team ng SM MOA Arena, at nakikiusap sila sa mga fans sapagkat ia-adjust ang stage design at video walls para mas madami ang makapanood.

Para sa karagdagang impormasyon at exciting updates, sundan ang @garyvalenciano sa Instagram at TikTok; sundan ang @GaryValenciano1 sa X; i-like ang Gary Valenciano sa Facebook; at mag-subscribe sa Gary Valenciano Official sa YouTube at sa @garyvalenciano sa Threads.

AUTHOR PROFILE