Gardo

GARDO MAY HILING SA YUMAONG SI JACLYN

March 19, 2024 Vinia Vivar 89 views

May request si Gardo Versoza sa yumaong kaibigang si Jaclyn Jose.

Sa kanyang latest post sa Instagram ay nag-upload ang aktor ng larawan ni Jaclyn during her younger years at sa caption, hiniling niya sa aktres na dalawin siya nito.

Nag-joke pa si Gardo tungkol sa naging kaganapan dito na pang-Cannes daw ang performances.

“im sure alam mo na ang mga kaganapan abe, at katawa tawa di ba, pang cannes ang mga performances. miss kita abe, pag pinayagan ka ni ama dalaw ka lang sa akin anytime, dami kong blind items sa iyo hehehe labyu,” mensahe ni Gardo sa pumanaw na kaibigan.

Bukod dito ay kinumusta rin ni Gardo kay Jaclyn ang kanyang ina na nasa kabilang buhay na rin at sinabi ring miss na niya ang kaibigan.

“Abe musta sa mga nanay natin im sure sarap ng kwentuhan nyo dyan mishu,” he wrote.

Na-touch naman ang mga netizen sa mensahe ni Gardo para sa kaibigan at pinuri ang kanilang friendship.

“This is so heartwarming and heartbreaking as well. you and Ms. Jane really are very close. Sending you warm hugs to comfort you this trying times,” sey ng isang netizen.

“Wow. Friends forever,” sabi naman ng isa pa.

“Thank you Mr Gardo V. for the beautiful memories with Ms Jane. Sayang d ko man napanood sitcom nyo pero sa Batang Quiapo may mga scenes pa sya doon,” saad naman ng isang fan.

AUTHOR PROFILE