
Gallora, MPD11, SAC nagpasalamat sa PT
TAOS-PUSONG nagpasalamat sa People’s Tonight — dahil sa pagsuporta sa kanilang peace, order, health at development programs — ang mga miyembro at opisyal ng Station Advisory Council (SAC) na pinangungunahan bilang chairman ni PGFLEX CEO Nelson Guevarra at MPD Binondo Meisic Police Station 11 (MPD11) sa pamumuno bilang commander ni Police Lt. Col. Magno “Jun” Gallora Jr.
Nagpasalamat sina PLt. Col. Gallora at Guevarra matapos ganapin ang buwanang pagpupulong ng SAC at mga kapulisan sa FFCCCII building sa Magallanes Drive, Binondo Manila kung saan napag-usapan ang bloodletting program ng grupo na gaganapin sa susunod buwan.
Kabilang sa mga proyekto ng SAC ay mga medical missions at feeding programs.
Ibinahagi ni Lt.Col. Gallora na mapayapa at tahimik sa area of responsibility ng MPD11. “Bihira na lamang at mangilan-ngilan na lang ang kanilang mga nahuhuling mga kriminal tulad ng holdaper,snatcher, MWPs at drug suspects,” aniya.
“Maraming salamat People’s Tonight dahil sa walang sawang pagsuporta at pagpapahayag ng mga katotohanang storya. Huwag sanang magsawa ang People’s Tonight sa pagtulong sa mga mamamayan at bayan at paghatid ng tamang balita,” ang parehong mensahe nina PLt.Col. Gallora at Guevarra. Ni JON-JON REYES