Gabby

Gabby: Wala kaming relasyon ni Sharon

September 15, 2023 Vinia Vivar 711 views

Para kay Gabby Concepcion, mas excited siya para sa fans nila ni Sharon Cuneta sa gaganaping reunion concert nila ng dating asawa’t ka-loveteam na si Sharon Cuneta, ang Dear Heart.

Alam niyang napakatagal na panahon na itong hinihintay ng Sharon-Gabby fans.

“Sinabi ko naman ho talaga kay Sharon noon at sa mga producer natin, I’m excited to do this show more for the fans kasi sila naman talaga ang nag-umpisa sa amin,” pahayag ni Gabby kahapon sa back-to-back mediacon nila ni Shawie for Dear Heart sa Okada, Manila.

Ayon pa sa aktor, kahit wala na siyang kitain sa concert ay okay lang sa kanya.

“Mas maganda kung maibalik natin at sinabi ko rin ‘yon,” he said.

Hindi pa masabi ni Gabby ang detalye ng mga gagawin nila ni Shawie dahil hindi pa niya nababasa ang script at parte nga ng strategy ng producers ay ‘yung hindi sila pagtagpuin ni Sharon hanggang sa venue.

Pero kahapon, nagkita na sila at nasaksihan ng entertainment press dahil back-to-back ang kanilang mediacon at nagkita sila pagkatapos ni Gabby.

Nauna kasing nagkaroon ng presscon si Gabby at pagkatapos niya ay si Sharon naman.

Siyempre, kinilig ang press at ang iba pang naroroon. Sey nila, four years ago pa sila huling nagkita sa isang event.

Bago ito ay natanong si Gabby kung paano niya ide-describe ang relasyon nila ni Sharon ngayon at sey ng aktor, “Well, right now, we don’t have a relationship.”

Seriously, siyempre ay hindi na sila nagtatawagan or nagte-text-an.

“Iwas-ano muna,” pagbibiro pa niya. “Wala naman kaming pag-uusapan,” dagdag pa niya.

Gaganapin ang Dear Heart nina Sharon at Gabby sa October 27 sa SM Mall of Asia Arena.

AUTHOR PROFILE