
Gabby, bawing-bawi sa pagkukulang kay KC
Aminado si KC Concepcion na hindi naging perpektong ama si Gabby Concepcion noong bata pa siya pero bumawi naman ito nang bongga ngayong adult na siya.
Sa latest interview kay KC ni Bianca Gonzalez sa CinemaNews ng Cinema One, she revealed na every week silang magkita ng kanyang ama at talagang he really makes time for her.
“Even if nu’ng time na lumalaki ako, wala siya do’n as much as my mom and my lola raised me, my mom, she never said anything bad about my father, that’s why siguro naging maganda rin ang perspective ko when it comes to him,” sabi ni KC.
“I think what’s important for people to know is that right now, nu’ng 20s ko and 30s ko, talagang very present siya sa buhay ko,” patuloy niya.
Ibang-iba raw ang alam ng mga tao sa totoong nangyayari sa kanila.
“Expectation vs. reality,” natatawa pa niyang sabi. “’Yung reality is talagang very present siya sa buhay ko since naging adult na ako and I think that’s something na hindi pa clear sa tao and I wanna let them know today na, you know, ‘yung past, past na ‘yun, eh.
“Parang the fact na nandito siya sa buhay ko, very present since nag-20s ako, that’s a big deal,” she said.
“Eversince nag-20s ako hanggang ngayon, alam mo ‘yun, weekly kami kung mag-family reunion, talagang lagi kaming nag-uusap, lagi kaming nagkikita, and nasusuportahan niya ako in ways na hindi niya magawa dati,” pahayag pa ng dalaga.
Bagama’t may mga naging pagkukulang ang kanyang tatay when she was growing up, ayon kay KC, ang mahalaga ay ibang-iba na ito ngayon.
“Ang pinaka-gusto kong malaman ng tao is hindi man siya naging perpektong father sa akin dati pero ibang-iba na siya ngayon. Grabe na ‘yung pagiging present niya as a father sa akin ngayon,” aniya.
“Oo, nagkulang ‘yung Papa ko before. Ang maganda lang, nakabawi siya sa akin, at least. Let’s focus on the present, let’s focus on happy things. I just wanna be happy and I really wish everyone well. Kasi everyone deserves to be happy, truly happy,” dagdag pa ng nag-iisang anak nina Gabby at Sharon.
Kahit daw ang Mommy niya ay magiging happy to know na bumabawi naman ang Papa niya ngayon.
“We all deserve a second chance, ‘di ba? Sobrang hirap din ang pinagdaanan ni Papa bilang lalaki,” sey ni KC na nagsisimula nang maging emosyonal.
“And as a man, you know, he’s doing everything he can right now to provide for his family with my stepmom and to provide that support… you know, not naman financially, but morally and emotionally, he’s there for me and all his children naman he loves,” pagtatanggol ni KC sa ama.
Pero syempre, pagdating sa kanyang ina, iba naman din ang pagmamahal niya rito.
“Mommy ko, nandiyan na ‘yan. Forever love ko ‘yan. First love ko ang Mama ko and forever love ko ang Mama ko. And wala ako kung wala siya,” ani KC.