Larawan: Jeron Teng / IG
Jeron Teng nagpatali na kay Jeanine Tsoi
Ikinasal na ang Filipino professional basketball player na si Jeron Teng sa kanyang long-time girlfriend na Jeanine Tsoi sa San Agustin Church sa Intramuros, Linggo, Oktubre 15.
“Officially Mr and Mrs Teng,” caption ng PBA player sa kanyang Instagram post kalakip ang kanilang wedding snaps.
Makikitang suot ni Jeron ang isang white suit, itim na trousers, and black bow tie na gawa ng well-known designer na si Edwin Tan.
Samantalang “mala-prinsesa” naman si Jeanine sa kanyang suot na beaded tube top ball gown na gawa ng famous designer na si Val Taguba. Bukod sa mahabang veil, nagsuot din siya ng tiara at diamond necklace.
Pagkatapos ng kanilang wedding ceremony, isang bonggang reception naman ang tumambad sa mga dumalo sa kanilang kasal.