Gabbi

Gabbi, kinaiinggitan ng Sparkle artists

February 20, 2023 Jun Nardo 488 views

KINAIINGGITAN ngayon ng ilang Sparkle artists si Gabbi Garcia.

Bakit? Aba, hindi pa nga ipinalalabas ang kinabibilangan niyang GMA series na Ang Lihim ni Urduja, lumipad na siya patungong Switzerland upang gawin ang GMA-ABS-CBN collab project na Unbreak My Heart, huh!

Eh, si Joshua Garcia pa ang kapareha ni Gabbi sa project na unang ipalalabas sa streaming app na Vui!

Aba, sa malalaking projects na ito ni Gabbi, kahit naman sinong Sparkle artist ay maiinggit sa ganitong pag-aalaga sa kanya, huh!

TIRADOR NG TIRA-TIRANG PAGKAIN

BINUKING ng character actress na si Pinky Amador na tirador ng sobrang pagkain ng staff and crew ang Sparkle artist na kasama niya sa GMA afternoon prime na Abot Kamay ang Pangarap na si Hazel Kinouchi na may lahing Hapon.

Basta malakas daw itong kumain pero hindi naman daw tumataba, huh!

“Oo nakagulat ang appetite niya sa pagkain! Payat pa.

“Pero mabait siyang bata kahit mataray ang role niya bilang anak ko,” kuwento ni Pinky nang makausap namin sa premiere ng kinabibilangang movie na Ako si Ninoy na dinirek ni Vince Tañada.

Pormang Imelda Marcos ang character ni Pinky sa movie pero may sarili siyang paniniwala tungkol sa Aquino-Marcos rivalry.

Samantala, tuloy pa rin ang GMA series at hindi pa sinabi kung kailan ito magwawakas.

AUTHOR PROFILE