
Gabbi a good choice as PBB co-host
GABBI Garcia’s star shines brighter.
Tiyak na lalong makikilala ang Kapuso actress sa pagiging host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition na magsisimula na ngayong March 9. Sanib-pwersa ang ABS-CBN at GMA sa muling pagbubukas ng pinto ng Bahay ni Big Brother. Big break ito kay Gabbi dahil malaking exposure ito sa kanya. Araw-araw siyang mapapanood ng mga Kapamilya at Kapuso fans. At hindi lang ‘yun, multi-platform ang access sa reality show. Makakasama niya sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez-Intal.
Unang lumutang ang mga pangalan nina Dingdong Dantes at Iya Villania bilang additional host mula sa Kapuso network. Pero nung opisyal na inanunsyo ang pangalan ni Gabbi, marami ang natuwa. She’s a good choice actually. Matalino, sensible at magaling magsalita itong si Gabbi. Ito ang naging obserbasyon ko sa kanya nung naging hurado siya sa Magpasikat 2024 ng It’s Showtime. Bagay siya sa reality show at kayang makipag-sabayan kina Robi at Bianca.
Si Gabbi na ba ang susunod na Kapuso na magiging Kapamilya? Just asking…
Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon.
Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]