MPD Tuloy-tuloy ang pag-iikot at pag-inspeksiyon ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Leo “Paco “Francisco at Team Paco sa paligid ng National Museum upang matiyak na maayos at mapayapa ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Hunyo 30. Kuha ni JON-JON REYES

Francisco: Panunumpa ni PBBM secured

June 6, 2022 Jonjon Reyes 348 views

Libo-libong pulis titiyakin seguridad sa inagurasyon

TINATAYANG hindi bababa sa 2,000 pulis ang titiyaking secure, mapayapa at ligtas ang panunumpa ni President-elect Ferdinand ” Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30 sa National Museum sa Maynila.

Ito ang ipinahayag nitong Lunes ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Leo “Paco “Francisco.

Ayon kay Francisco, magbibigay din ng karagdagang deployment ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine National Police – National Headquarters.

Sinabi rin ni Francisco na sa ngayon ay walang namomonitor na banta kaugnay sa oath-taking ni Marcos, Jr.

“Ang P. Burgos Street at Kalaw Avenue mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard ay magiging sarado sa trapiko para sa inagurasyon. Magkakaroon naman ng rerouting para sa mga motorista,” ani Francisco.

Sinabi rin ng top MPD official na ang mga militante na nais magsagawa ng programa o rally ay maaring gamitin ang mga freedom park.

AUTHOR PROFILE