Bilang Bilang ama ng kapulisan ng Maynila laging ipinaaalala ni Manila Police District Director Brig. General Leo M. Francisco sa kanyang mga kapulisan na maging alerto at magtrabaho ng maayos, ipatupad ang mga city ordinance at health protocols at panatilihin ang peace and order sa kanilang mga nasasakupang lugar alinsunod sa utos ni Manila Mayor Isko Moreno, Kuha ni JON-JON REYES

Francisco: Maynila, MPD di titigil sa pagsugpo ng krimen, pandemya

July 29, 2021 Jonjon Reyes 592 views

HINDI tumitigil si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at PBGen. Leo Francisco sa pagsugpo ng krimen at pagpigil ng pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 sa lungsod.

Sa panayam ng Peoples Tonight kay Francisco inihayag ng MPD chief na direktiba sa kanya ni Moreni na pairalin ng kapulisan ang lahat ng city ordinance.

Sinabi ni Francisco na lahat ng commanders mula Police Station 1 hanggang Police Station 14 ay walang lubay na pinapapanatili ang peace and order at pagpapatupad ng health protocols alinsunod sa utos ni Moreno.

Sa Station 2, ini-report Huwebes ni Lt.Col. Jun Gallora, ng Moriones police station, na kanilang inaresto ang isang Arlene Modrigo, 51, ng 1647 Int. 14F Varona St., Tondo, Manila.

Si Modrigo ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na in-issue ni Justice Roy G. Gironella ng RTC Branch 43 , City of Manila, dahil sa paglabag ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ang nasabing suspek ay may kaukulang P80,000 na piyansa sa ilalim ng criminal case nos. RMNL-19-07484-CR at kasalukuyang nakakulong sa Station 2 pending ng pagbalik ng warrant of arest at ang pag-issue ng comment order ng PS-2 Moriones station.

Sa Mesic Police Station PS-11, inaresto ng pamunuan ni Rollyfer Capocqian si Marivel Cabili Bayabay, 45, ng Area B Gate 10 Pier 2, Parola Compound, Tondo, Manila.

Si Bayabay ay naaresto dahil sa illegal possession of drugs sa kahabaan ng Delpan bandang 12:27 a.m. ng mga pulis sa pangunguna ni PLT. Marvin C Peralta.

Nakumpiska mula sa suspect ang pitong piraso sa isang buy-bust operation , nakuha rin sa kaniya ang isang gramo nagkakahalaga 6,800.00 , ang nasabing parapernalya ay ibinigay sa sa crime lab ng MPD sa kaukulang examminastion samantala ang nasabing suspect ay sumasalang sa isang test medical exammination at UV exammination. (Francis Naguit / JonJon Reyes)

AUTHOR PROFILE