Default Thumbnail

France nababahala sa Chinese vessels sa Iroqouis reef

July 10, 2023 Zaida I. Delos Reyes 248 views

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang French embassy sa Pilipinas kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Nababahala ang embahada kasunod ng ulat ng Armed Forces of the Philippines kamakailan na pinalibutan ng halos 50 Chinese vessels ang Iroquois reef at Sabina shoal sa WPS. Kilala ang WPS na South China Sea.

Nanawagan ang embahada sa China na irespeto ang international law at pag-usapan ang hindi pagkakaintindihan para malutas ang sigalot sa WPS.

Tutol din umano ang embahada sa paggamit ng dahas para maresolba ang sitwasyon sa lugar.

“Following the recent incidents in the South China Sea, we express our concern and call for respect for international law and the resolution of disputes through dialogue.

We are resolutely opposed to any use of force or threat to do so. We recall, in this regard, the Arbitration award rendered under UNCLOS on the 12th of July 2016,” paliwanag ng embahada.

Una nang iniulat ng AFP na natuklasan nila ang mga naglipang Chinese vessels sa Iroquois reef at Sabina shoal noong Hunyo 30 nang nagsagawa sila ng air patrol sa lugar.

Sa isinagawang Intelligence Surveillance and Reconnaissance (ISR) flights ng AFP-Western Command nalaman nito na nadagdagan pa ng 47 ang fishing vessels na nakapalibot sa daalwang lugar noong Hunyo 12.

Bukod sa fishing vessels, tatlong China coast guard ships at dalawang People’s Liberation Army Navy vessels ang namataan na regular na nagpapatrulya malapit sa Sabina shoal.